Crossroads


Mahal mo? Eh mahal kaba?

Yan ang kalimitang tanong ng mga kaibigan nating chismosa kapag meron tayong crisis sa buhay na pinagdaanan pero para sa isang taong katulad ko naitanong ko yan sa aking sarili ng magkaroon ako ng crisis sa aking pamilya. Kahit kelan ay hindi ko nakita ang aking sarili bilang isang perpektong anak o kapatid, sa totoo lang hindi ko nga nakikita ang aking sarili. Ang taong 2020 ang nagbigay sakin ng panahon para mas makapag reflect sa aking sarili, pinatigil kasi ng Covid ang ingay sa paligid.

Nakita ko at narinig ang maraming bagay tungkol sa aking sarili at mas naintindihan ko ang mga bagay na kulang at dapat. Para sa may mga kapatid na tulad ko siguradong nararanasan niyo ang favoritism at para sa inyong mga magulang na sigurado akong mahirap para sa inyo ang ito ay aminin. 

Never naging issue sa aking ang pagkakaroon ng paborito ng aking ina dahil para sa akin hindi naman ako napabayaan, napag-aral ako sa isang pretihiyosong eskwelahan, nakakakain ng higit pa sa tatlong araw (kaya ang taba ko eh!) at masasabi kong talaga namang convinient ang aking paraan ng pamumuhay kahit kelan ay hindi tinanggap ng aking isip na hindi patas ang ibinibigay niyang pagmamahal sa aming magkakapatid hanggang sa dumating na nga sa puntong ito...

Never naging issue sa aking ang mga kapatid kong paborito ng aking ina dahil para sa akin mga kapatid ko sila, hinding hindi nila gagawin ang ako'y lokohin, saktan o isahan. Ang ibinibigay sa kanila ng aking ina ay hindi nila pinilit ito ay kusa at nararapat lamang na kanilang tanggapin. Masasabi kong kahit kailan ay hindi ko napag isipan na ang pakikitungo nila ay may bahid na kung ano man hanggang sa dumating na nga sa puntong ito...

Ang usapin sa lupa kahit kailan ay ayaw kong maging usapin dahil para sa aking hindi dapat ito pinagkakaguluhan ng isang pamilya, ang pamilya dapat naghihilahan pataas, may patas na pagtingin sa lahat regardless kung ano man ang narating na ng bawat isa sa kanilang buhay. Walang kawawa at walang maswerte, lahat ay nahihirapan at lahat ay nakararanas ng saya.

Hindi ko maintindihan ang sakit ng naramdaman ko ng malaman ko kung paanong nagkaroon ng hatiaan ng wala akong kamalay malay, at hindi ko maintindihan ang sakit ng sabihin sa akin ng aking ama habang siya ay naluha na "buhay pa naman kami pero bakit naman kinukuha na ang mga lupa", hindi ko maintindihan ang sakit ng sabihin sa akin na mag intay kapag handa na ibigay ang lupa na para bang hindi ako natanda at hindi kailangan maghanda kasi ako daw ay "maswerte". Iba pala ang sakit kapag ang pagpapasawalang bahala sa iyong nararamdaman ay nanggaling sa sarili mong ina at kapatid, ito yung sakit na parang kahit kailan ay hindi mawawala, yung pakiramdam na para kang magisa at basta na lamang iniwan yung masasabi mo nalang na sobra sobra na pero wala kang magawa. Napakahirap ipaliwanag.


Ngunit sa lahat ng mga pangyayaring ito mananatili ang sinabi nila ay totoo, hindi mo mapipili ang pamilya mo at ganuon din sila sayo, hindi ka nila maiintindihan dahil hindi sila ang nasa posisyon mo at gayun kadin sa kanila. Sa mga mabuti at masamang hangarin isa lang ang pinaka punto ng blog ko na ito, maging matibay. Ikaw ay isang taong nabigyan ng pagkakataon ng Diyos na mabuhay at sa kung ano mang hamon ang ibato sa iyo ng buhay nararapat lamang na pilitin mo itong malagpasan kasi walang gagawa nito para sayo kung hindi ikaw lamang. Hindi ka man mahal ng mundo pero andyan ka para sa sarili mo. LAVERN! Virtual hugs mga beshy! ❤️ 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.