Posts

Showing posts from October, 2020

Hari ng Sablay

Image
"I hope it doesn't get worse than this" yan nalang ang masasabi mo sa mga panahon na hindi lang sinusubok ang iyong pasensya kundi pati nadin ata ang iyong swerte. Naniniwala akong may mga araw talaga na parang sablay, yung pakiramdam mo parang lahat hindi naaayon sa plano mo, kahit gaano kasimple sumasablay lang talaga "malas!" ika nga. Pero ang week na ito sobrang pinatunayan sakin na minsan ang hamon ng buhay ay matindi. Hindi ko malaman kung inulan lang ba ako ng malas, may nangungulam naba sakin or what?! Simulan natin sa Monday shift ko kung saan ang unang dagok ay ng malaman ko na magkaibang floor kami ng papasukan ng aking close friend at tanging ako lang ang nalipat sa team na mapupuntahan ko so meaning wala akong kakilala ni isa sa kanila pero bilang propesyunal wala ka magagawa kung hindi sumunod nalang. Pagpunta ko sa pick up point ay sadyang napaka aga ko palang dumating siguro kasi first time ko maging pang umaga at hindi ko pa talaga alam kung

Crossroads

Image
Mahal mo? Eh mahal kaba? Yan ang kalimitang tanong ng mga kaibigan nating chismosa kapag meron tayong crisis sa buhay na pinagdaanan pero para sa isang taong katulad ko naitanong ko yan sa aking sarili ng magkaroon ako ng crisis sa aking pamilya. Kahit kelan ay hindi ko nakita ang aking sarili bilang isang perpektong anak o kapatid, sa totoo lang hindi ko nga nakikita ang aking sarili. Ang taong 2020 ang nagbigay sakin ng panahon para mas makapag reflect sa aking sarili, pinatigil kasi ng Covid ang ingay sa paligid. Nakita ko at narinig ang maraming bagay tungkol sa aking sarili at mas naintindihan ko ang mga bagay na kulang at dapat. Para sa may mga kapatid na tulad ko siguradong nararanasan niyo ang favoritism at para sa inyong mga magulang na sigurado akong mahirap para sa inyo ang ito ay aminin.  Never naging issue sa aking ang pagkakaroon ng paborito ng aking ina dahil para sa akin hindi naman ako napabayaan, napag-aral ako sa isang pretihiyosong eskwelahan, nakakakain ng higit pa