Open minded kaba?


Sa panahon ng pandemic isa sa pinaka nakakabilib sa mga Pinoy ay ang galing nilang mag adjust at sumabay sa pagbabago resilient kasi talaga ang mga Filipino isa ito sa katangian natin na masasabi kong talaga namang karapat dapat natin ipagmalaki.

Ngayon hindi pa natin alam kung kelan matatapos ang quarantine, kung kelan mawawala ang virus maraming mga trabaho, negosyo at pag-aaral ang naapektuhan bukod pa sa pangkalusugan nating pangunahing concern ngayon ng buong bansa. Gayon pa man hindi ito ang dahilan para itigil ng mga Pinoy ang pagiging maparaan, dyaan na nga pumapasok ang usong uso na nuon pero mas tumindi ngayon na online selling.

Gaya ng ibang mahilig magbenta sumubok din ako niyan nuon isa kasi talaga sa pangarap ko ay ang magkaroon ng sariling negosyo, para sakin iba padin talaga kapag ang isang business ay matatawag mong iyo, sa bawat kumpanya kasi na aking napagtrabahuhan kahit pa gaano kataas ang iyong marating babagsak at babagsak kapadin sa idea na isa ka pading empleyado, maaring paltan at alisin, sa mundo ng business isa lang ang indispensable at yun ay ang owner at yun din ang gusto ko maging! Owner ng sarili kong business naks! Tayog ng pangarap pero bakit ko nga ba titipidin pangarap na nga lang deprive paden?! Tse!

Ang pagsubok ko nuon na mag negosyo ay matatawag kong suntok sa buwan, negosyong hindi pinagisipan kasi nagkabiglaan at negosyong wala naman talagang puhunan kung hindi 2,000 pesos. Oo biktima din ako ng "negosyo gamit lang ang cellphone mo magshare ka lang at kikita ka!". Sa totoo lang posible naman talaga kumita kahit wala kang pampuhunan na malaki sa online business pero dito maguugat ang matindi mong frustration at stress. Kaya sa mga nagbabalak dyan eto ang matindihang payo ko sa inyo kung kayo ay magiging direct seller meaning yung lumuluwas para bilhin mismo ang items at ipadala o ideliver sa mga reseller or buyer lang mismo.

Be committed.
Maaring para sa iba wala kang physical store hindi ka na agad legit na business NO! NO! NO! tandaan ang kahit anong pinagkakakitaan ay negosyo hindi mo kailangan maging kulong sa luob ng opisina na may maraming empleyado para masabing ito ay isang negasyo kaya dapat ikaw ay handang ibigay ang iyong buong atensyon at oras sa negosyong ito ang oras mo ay mahalaga kaya wag mong sayangin lang kung hindi ka naman pala handang ibigay ang lahat ang negosyo ay parang pagibig kung kulang maaring mawala pak!

Be patient.
Oo dito sa negosyo mo ikaw ang boss pero hindi ibig sabihin non ay magmamaldita kana! Isa sa mga common na napapansin ko sa mga big companies abroad ay ang pagkakaroon nila ng commitment na ma-satisfy ang kahit na sa pinakamaliit o konting umorder na customer. Lahat sila ay may value hindi lang ang mga big time customers at para magawa mo ito kailangan mo ng mahabang pasensya, every good feedback counts kasi ang lahat ng klase ng negosyo rely on trust kaya kapag wala kang pasensya sa mga customers mo expect a very bad feedback minsan kahit sila naman ang mali dahil pinatulan mo sila just imagine the damage sa reputation ng iyong business. Oo may mga customers na paulit ulit naka-post na pero itatanong pa eh sa hindi nabasa e sagutin mo nalang or yung mga customer na pa-invoice ng pa-invoice pero kapag bayaran na hindi naman magbabayad okay lang yan, share ko lang muna sa personal experience ko bandang huli oorder din yan sayo. Meron akong naging customer nuon na every cut off nalang is nagpapahanap at ang matinde nagpapagawa pa talaga ng invoice, magmamadali pa yan kasi gusto nya nadaw makita agad ang babayaran nya kapag nasend mo na bigla na syang seen zone nakakaloka diba. Ganun lang palagi until such time na nagulat ako at bigla nalang siya nagbayad. Siguro dalawa kaming pinapasahan niya ng order tapos kung sino mas mura dun sya naorder pero dahil sa maayos ko palaging pakikipagusap naging loyal customer na namin siya. Talk about patience diba?! Gigil kana pero nakangiti kapa.

Be Fearless. 
Kung gusto mong maging boss sa sarili mong business you must have the guts na mag invest or mamuhunan tigilan ang mindset ng libre because nothing is free sa mundong ibabaw kaya ka nasa-scam e hilig mo sa free or shortcut walang ganon my friend. Kailangan natin ng tatag ng luob para isugal ang kung ano ang meron tayo yan ang bagay na madalas wala sa mga taong hindi mayaman at yan naman ang madami sa mga taong nagmula sa hirap at yumaman hindi biglang yaman ah kung hindi yumaman. Meron silang tapang na isugal ang puhunan nila sa isang negosyo na hindi ka sigurado kung kikita wala kasing sure kahit mag abroad ka sumusugal ka din nananalig na sana ay okay ang work mo, employers mo at colleagues mo same din lang sa business hindi lang napapansin ng marami tingin ko pinalaki kasi tayo ng may paniniwala na mas okay at sigurado ang mag abroad kesa mag negosyo na kabaliktaran naman sa mga Chinese mga taong idol ko sa larangan ng business.

Believe.
Wala ng mas powerful pa sa paniniwala sa ginagawa at sarili. You are what you attract. So kung positive ang outlook mo magiging positive din ang attitude mo at pag positive attitude ka positive din magiging vibes sayo ng mga buyers mo at malaking factor ito para makakuha ka ng benta. Sino ba naman ang gugustuhing makipagtransaksyon sa taong ubod ng suplado o di kaya ay parang tamad na tamad sa ginagawa. Kaya maniwala ka na kaya mo at maa-achieve mo at mamamalayan mo nalang na nangyayari na ang iyong pinapangarap. Tandaan walang ibang maniniwala sayo sa umpisa kung hindi ang sarili mo kaya sige lang ng sige sabi ng Papi ko "hanggang kaya pa at gusto subok lang ng subok".

Be proud.
Hindi porke nagtitinda ay "lang" nalang yan sabi nga sa kanta ni Ms. Regine Velasquez "bakit ako... mahihiya" hindi mahalaga kung nagtatrabaho kaba sa isang company na de aircon o naglalakad ka sa arawan para magdeliver ng item ang mahalaga ay marangal ang ginagawa mo at higit sa lahat may laman ang bulsa mo. Mas gugustuhin ko ng maglakad sa mall ng may sampung libong piso ang laman ng bulsa kahit naka-short lang ako kesa naman sa naka-dress at pagka-bongga pakong shoulder bag tapos 500 lang naman ang laman ng bulsa ko. Kaya wag kang mahihiya kasi wala sa panlabas na anyo ang halaga ng yong ginagawa nasa goal mo yan kung paano ka uunlad as a person and most especially as a proprietor.

So far yan palang ang mga bagay na ma-share ko based on my personal experience before kasi ayon sa payo ng papa ko ang nashare ko yang mga yan ay personal kong inaapply sa sarili ko ngayong muli akong nagsusubok na makapag sarili. Kung pangarap ng ibang ma-promote ako pangarap ko maging owner ng business. Sabay sabay nating abutin ang mga pangarap natin push! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.