Etiquette of a buyer

Ang pagbili online ang isa sa mga pinaka patok na gawin ngayong pandemic, bukod sa bawal nga masyadong maglalabas, unless isa ka sa matitigas ang ulo na walang harabas sa paggala at feeling immortal ang mga kasama sa bahay; ay wala ka naman talaga din masyadong mapuntahan na establishment kasi most of the time sarado or nag adjust na sila at nag focus nalang muna sa online selling or for take out and pick up nalang which is most of the time maiisip mo nalang na parang hassle pa kasi mamamasahe ka tapos di ka manlang nakapag libot kaya karamihan satin mas pinipili nalang ang mag order online.

Bilang isang online seller nuong 2018 hanggang 2019 madami akong kakaibang karanasan mula sa mga buyers online. Karanasan na talaga namang sumubok sa aking pagkatao charot akala mo namang matinding digmaan pinagdaanan ano LOL siguro sumubok lang ng matindi sa aking pasensya at dahil nga sa karanasan na iyon ko mas naintindihan kung bakit ang mga mayayaman sa negosyo ay talaga namang kahanga hanga. Ilang sako kaya ng pasensya ang kinailangan nilang pasanin para lamang marating ang mga bagay na narating nila? Sana ako rin. At dahil na nga sa dalawang taong naranasan ko ang hirap, naisipan kong gumawa ng list para sa mga online sellers na alam kong maaring maka-relate dito at para naman sa mga buyers kung isa ka dito bato bato sa langit tamaan wag magagalit!

Buyers na matanong.
Unahin na natin yung pinaka basic yung number one na kinaiinisan minsan ng mga online sellers, yung mga tanong ng tanong lalo na kung naka post namana. Just being fair sa mga buyers na ganito wala naman talaga masama kung magtanong sila it is actually a good sign sa selling na interested sila sa binebenta mo kaya hindi ka dapat mainis kung nagtatanong sila pero para naman sa inyong mga buyers observe observe din muna kasi baka ang kasagutan ay nasa inyo na palang harapan it saves you time kasi di kana mag-aantay ng response ng seller.

Buyer na madaling madali.
Eto naman yung mga buyers na akala mo ba ay mga keyboard warriors, nagta-type ka palang ng isasagot sa una nyang tanong may pangalawang tanong na agad sya tapos yung pangatlong itatype nya is "sis???" na para bang hindi lumalabas sa kanya yung "typing..." sa baba to indicate na pasagot kana. Di naman po sa nagrereklamo kami as online sellers trabaho namin ang mag-reply pero hindi ba magandang paguugali ang mag-antay ng saglit? Parang kapag naguusap lang kayo ng magkaharap hindi bat bastos kung habang magsasalita palang yung kausap mo uunahan mo na sya tapos ang lagay ay parang sya pa ang may ayaw sumagot. Be patient mga sis lalo na kung nag ka-canvas ka palang at di pa naman talaga buo ang iyong luob sa pag order let's be mindful of others.

Buyers na magtatanong ng price tapos sasabihin na mas mura sa iba.
Ito para sakin ang kailangan baguhin na ugali ng mga Filipino buyers sorry po but for me isang kabastusan ang magtanong ng price or item tapos sasagot ka ng "35 pesos lang kaya yan sa Cavite" ayan very recent na experience ng friend kong online seller. Unang una kapag po tayo nagtanong ng price at hindi natin nagustuhan pwede na po tayo hindi magreply kasi hindi naman tayo pinipilit na bumili ng item na binebenta nila let's keep in mind as a buyer na tayo ang unang lumapit at nagtanong ng kanilang binebenta kaya wag sana tayo maging bastos o parang galit pa sa presyo nila sa item, ang SM nga grabe ang presyo sa mga items tumigil ba tayo sa pagpunta? Madame talagang mas mura especially kung yung place na yun ang pinanggagalingan ng items edi kayo po ang pumunta duon char! Tulad ng Taytay kung saan ang 100 pesos na short 35 lang mura talaga diba? But imagine na pupunta ka duon para bumili ng isang pirasong short sama mo pamasahe mo at pagkain pag nagutom. So as buyers let's be respectful of the sellers price kung mahal for you edi sundin mo payo ni Ariana Grande "thank you next".

Buyers who do not support local.
Sabi nila ang Pilipinas daw ay isang mahirap na bansa at palagi ko namang sinasabi that "I beg to disagree" tignan nalamang natin ang mga buyers na always looking for brands na hindi gawa ng kapwa Pinoy meron pa sasabihin hindi daw kasi matibay ang gawa or panget ang tanong ko lang dyan kapag ba gawang pinoy, pinatibay at mas pinaganda magiging willing kabang mag bayad ng mas mahal? Most of us would say "kung ganyan din lang ang presyo bibili nako ng Nike or Balmain" so paano na ang ating mga striving entrepreneurs? This is just something na I am very passionate about kaya natutuwa ako kapag nakikita ko na may mga Pinoy ngayon that are supporting local brands isa sa magandang epekto ng pandemic ay ang pagsupport natin sa isa't isa at ang kagustuhan ngayon ng marami na magtayo ng business kaya guys let's also support local brands atin to!

Buyers na tatanungin ka san ang suppliers mo.
Sobrang nakakatawa isipin pero naranasan ko talaga to, yung mga buyers na hindi daw kaya ang presyo mo kaya sana ituro mo nalang kung saan ka kumukuha. This goes to show na nakalimutan na talaga ng mga Pinoy ang GMRC class at kailangan na talaga ito maibalik char. Ibalik natin sa usaping SM meron na po ba sa inyong nagtanong sa Department Store ng SM kung saan sila kumukuha ng item at sobrang mahal naman ata? Ang paghahanap ng supplier ay isa ding matatawag na effort mula sa mga online entrepreneurs kaya wag natin itatanong kung saan sila nakuha ng items kung may tyaga ka ikaw mismo ang maghanap else trust your seller.

Buyers na halos kalahati na ng presyo ang pagtawad.
Isa din akong notorious pagdating sa tawaran pero yung magtanong ka ng isang bes at sinabihan kang tapat na po wag mo na sila harasin ha ha or worse na ikaw na ang magbigay ng presyo na gusto mo bad yon! Palagi nating iisipin na maganda ang maging wais na buyer pero dapat classy padin tayo as we can always go to the next store, ang pagbili ay parang paghahanap ng the one, kapag hindi pa pala siya meet ka nalamang ulit ng iba hanggang sa mahanap mo si the one, keep searching lang sis! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?