Questions
Lately nahihilig akong magpatugtog ng malakas sa aking kwarto feeling ko tuloy kung merong mga espiritu sa room ko galit na galit na sakin at nagsipaglayasan na sila char!
'Cause every time we touch, I get this feeling
Napakalaking parte ang music sa buhay ko I still remember the very first time na nag-pray ako kay God para humiling ng isang bagay na talagang gustong gusto ko nuong bata pa ako alam niyo yung feeling na palagi ka naman nagdarasal pero merong mga moment sa buhay mo or mga prayer times na sobrang nag-marka lang sa memory mo siguro dahil alam mo na iba yung taimtim ng pagdarasal mo ng mga oras na yun parang yung naramdaman ko ng mag-pray ako nun kay God, sabi ko nun "Lord gusto ko po matuto kumanta sobrang gusto ko po talaga please po" and I was blessed. Tama pala sabi nila kapag nag-pray ka gawin mo ng detailed para kapag binigay sayo wala kana hahanapin pa ayan tuloy marunong na nga ako kumanta pero dapat pala sinabi ko "Lord gusto ko po maging magaling kumanta tulad ni Ms. Regine Velasquez yun pong bumibirit para pak na pak!" char lang parang napaka ungrateful ko lang diba na-blessed na nag-reklamo pa LOL.
Anyways sobrang thankful padin naman ako kasi hindi lang singing voice kundi pati talking voice na maganda binigay sakin (oo iyayabang ko na yan wag ka makialam blog ko to!) dahil diyan naranasan ko ang mag banda. Sobrang hilig ko sa music pero hindi talaga ako natuto ng kahit anong instrumento very light lang ng gitara kasi ang talagang gusto ko is kumanta. Madaldal kasi akong tao pero malaki ang poblema ko magsabi ng nararamdaman ko kaya sa pamamagitan ng music ko nasasabi yung feelings ko naks!
Halos lahat ng pinoy masasabi kong gifted pagdating sa music, mahihilig kasi tayo sa music talaga kaya nga naglipana ang videoke sa paligid at nagkakabarilan dahil sa "My Way" intense diba! Kapag gusto mo sabihin sa babae na gusto mo siya pero di mo masabi daanin mo sa music diba Cascada?
And every time we kiss I swear I could fly
Can't you feel my heart beat fast, I want this to last
Need you by my side... "
Or kapag type mo ang isang girl na jowa na iba at feeling mo you can do better? Matutulungan ka ng Parokya ni Edgar.
"Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko
Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga... "
Kapag umiibig ka sa iba kahit may jowa kana meron padin music para sa inyo; oo mga kabit kahit kayo kasali rito.
" Oh, why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dance floor?
I wish that it could be like that
Why can't it be like that?
'Cause I'm yours
Why can't I say that I'm in love?
I wanna shout it from the rooftops
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
'Cause I'm yours... "
Oh diba, para sa kanya na sinisikreto mo dahil baka maputol ng misis mo ang etits mo meron pading kanta para sa inyo. Charowt!
Sabi sa movie na "Music and Lyrics" ni Ms. Drew Barrymore nuong 2007 ang songs daw ay parang pagkilala sa isang tao; ang music or tono ay ang panlabas na anyo something na nakaka-attract sa opposite sex (or hindi opposite kung hindi ka straight) pero once na nakilala mo na yung tao; yun na yung lyrics yung story nya, yung depth nya as a person.
Malungkot, masaya, nag-iisip, naguguluhan lahat yan merong nagawang kanta para makapag saad ng mga bagay na hindi mo masabi. Sa pamamagitan ng kanta maari mong maramdaman na mahal ka ng isang tao o na nasasaktan kana pala. Ang song ko for this Month ay ang kanta ni Roxanne Barcelo na "Questions", andame ko kasi ngayong katanungan sa buhay eh. Ikaw anong song mo sa sarili mo, ano ngayon ang lyrics ng buhay mo?
Lakas makapagpagaan Ng feeling ang mga blogs mo sis. Yung 5:30 am siya una Kong babasahin. Nakaka pump Ng araw. Thanks 😘😘 sis sa mga ganito. More, more . Miss you.
ReplyDeleteSong ko "This is me, Kealla Settle The Greatest Showman. And Who you are ni Jessie J