Priority mo, priority kaba?

Isa sa number one na sakit nating mga babae at sige ibang lalake nadin kapag nai-inlove ng sobra ay ang pag bend ng ating mga priorities oo beh kasali nadin ako dyan at aminin man ng iba o hinde eh kasali din sila dito oo pati kayong mga independent men or women with strong personality kineme kapag tinamaan talaga kayo ay nako tsk may tama LOL.

So ano ba ang mga signs and symptoms kung ikaw ba ay kabilang sa asusasyon ng mga lalake o babaeng sagad magmahal and always willing to adjust.

Dreams change
Ayan simulan na natin sa ating mga mumunting pangarap na binabago ng pag-ibig andame kong nakitang ganito site tayo ng mga example. Hindi naman nursing ang kurso na gusto pero dahil si Mahal ay mag-nurse mag nursing nadin siya kahit mahina naman siya sa Science ever since the world began. Ang tao kasi kapag sobrang na-inlove kinakanta agad nya ang kanta ng Jadine "naniniwala na ako sa forever magmula ng makilala kita" boom! So sa mga nabiktima ng pagpapalit ng kurso good luck at kung andyan nadin lang kayo ay pagbutihin niyo nalang remember our life, our choice, our responsibility walang sisihan kahit pa nag break na kayo ng jowa nyo!

Values change
Mga pinaniniwalaan mo before is nagbabago na in time and sometimes sumasang ayon na siya sa partner mo probably kasi palagi mo na siya kasama so whether you like it or not through every day sharing ng mga beliefs nasunod kanadin sa beliefs niya minsan umaabot na sa punto na ang isa na may mas mahinang personality o mas nagmamahal ay naaakay para magpa-convert ng religion kahit deep sa kanilang puso ay duon padin sila sa religion nila pero magpapa-convert yan para kay Mahal tsk tsk nako bad yan dapat mas mahal si God kesa sa partner (anyways at least yan ang belief ko wag ka makialam ha ha).

Friends are no more
Ayan yung mga kaibigan mo na bigla nalang di mahagilap at wala ng oras sayo dahil palagi nakadikit sa jowa habang nung wala pa sila jowa or heartbroken sila ikaw ang halos 24 hours na nag-entertain sa kanila ngayon parang di kana kilala ayan tayo! tapos kapag nag-break bigla sila magsasabi na "I should have known better" or magpo-post sa FB ng "kami lang talaga ni Frenny ang may forever" daba kasama ka sa lungkot pero kapag masaya na ghosting na sila. I think yung may mga asawa okay lang yung ganito pero sa mag boyfriend ay nako delikado ka gorl!

I can't go without you 
Eto kahit mag-asawa may mga ganito e at unfortunately kadalasan babae ang talo. Hindi maka-alis ng bahay kapag wala si Mister tapos magagalit kapag si Mister ay nakagala kasama ang ka-tropa. Para sa akin bakit ba hindi makaalis ng wala si Daddy or Boyfie? Parang sinasabi lang yan ng Mama ko "bakit di kayo makakain ng wala ako nasakin ba ang kaldero?" I mean don't get me wrong maganda talaga ang may family day at mahalaga yun kapag may mga bata pero not all the time magiging maganda ang result ng pamimilit sa jowa o asawa na lumabas kayo ng kayo lang lalo na't halata mo naman na ang Mister mo kaya umalis ng wala ka (kapag inisip mong umalis siya ng wala ka tapos ikaw di makaalis ng wala siya sino ginalit mo? At kapag nagsabi ka naman sa kanya na bakit siya ganun o ngayon dalawa na kayong galit ang saya diba?), mag set kadin ng time na aalis ka ng wala siya para naman hindi masyado lumaki ulo niyan charat mema lang! 

My world revolves around you
Siya nalang ang nakikita siya nalang ang naiisip, you complete me ang peg bakit teh kulang kulang kaba date at nakumpleto kana nya ngayon? char. Lahat ng post sa Facebook puro nalang sila mag jowa, about sa jowa niya, nag-away sila mag jowa, monthsary, anniversary, sweet long messages sa isa't isa nako atih delikado ka na kapag ganyan I tell you by experience hindi maganda madame ka mami-miss out sa buhay mo.

Kung meron kang ganyang mga gawain at isipin ay mag-isip isip kana, hindi ko sinasabing masamang magmahal ng bongga kasi sino ba ang may shortage sa love eh unlimited yan, mapapagod nga daw pero hindi titigil pero katulad ng alak at kahit anong bisyo ang pag ibig kailangan din in moderation or else maaabuso kana wala pa namang pantay na bigayan ng love palaging merong isang mas nagmamahal. Kaya gayahin natin ang paalala sa alak "Love moderately!" kasi baka mamaya siya ang buong priority mo habang ikaw secondary lang sa kanyang top priority pak! hindi ampalaya ulam ko kanina. K Bye. 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?