Monday morning thoughts

Lunes nanaman unlike sa ibang call center madalas kaming Saturday Sunday ang off kaya feeling normal padin ang mga bayaning puyat and just like any other Mondays bumangon ako mula sa pagkakahimbing para maligo at mawala ang antok meron lang kasi akong 1 and a half hour para makapag seremonya or else maiiwan ako ng bus.

Okay naman, nakapasok naman ako ng walang aberya, nakabili ng pagkain sa 711 habang intermittent fasting ang iniisip napaka timely ko lang talaga minsan magisip ano habang nabili pagkain fasting para pumayat ang nasa isip LOL. Masarap pumasok ngayon kasi maganda yung pwesto ng cubicle ko nasa dulo para di mahuli kapag nagse-cellphone at the same time tuwang tuwa ako sa aking mga new found friends na naging kau-kausap namin by accident.

Nagkaroon kasi kami ng isang common denominator eh mahilig kamo mag-usap ng mga ganap sa kumpanya, pagtawanan yung kaliwat kanang reklamo ng mga ahente sa VOA (Voice of associates) at kulitan tungkol sa mga customers namen. Sayang lang at linsad kami ng day off kaya meron kaming 2 days na hindi nagkikita.

Para sa araw na ito napagusapan ulit namin ang pera, isa kasi yan sa madalas na issue ng mga tao, sabagay baket sino ba ang hinde? Katulad ng ibang araw tawanan lang kami ng tawanan tungkol sa mga sentimyento namin sa pera at loan, sobrang excited kasi ako mag-loan kasi 2008 pako nagtatrabaho pero ngayon ko lang naisipan na gamitin ang tax na mula nuon pa ay binabayaran ko. Kwento kwento tawa tawa kulet kulet hanggang sa nag open up na yung isa about sa pagtuturo akalain mo teacher pala siya dati ng elementary tapos yung isa ganun din edi nagkaroon kami ng sharing about sa mga masasaya at kakaibang karanasan namin sa pagtuturo (sa part na ito ko na-realize na mga guro nga kami kasi ang iingay nga namin palagi sa isle na yun ha ha!) at kung bakit namin pinili na umalis.

Although hindi ako kagaya nila na nakapag desisyon habang maaga pa sa mga nararanasan ko ngayon at mga bagay na naisasaayos ko dahil sa sapat ang aking kinikita ay naiintindihan ko kung bakit nila pumili iwan ang propesyon na nakakapag pasaya sa kanila. Malungkot mang isipin pero sadyang napakababa talaga ng kinikita ng mga guro sa pribadong paaralan sobrang layo sa kung magkano man ang kinikita namin ngayon.

Dati ang pananaw ko napaka stressful ng call center kasi nga sa mga nakakausap pero ngayong mas matured nako narealize ko kung gaano pala ka-gaang ang trabaho namin at tapos kikita kapa ng malaki sumang ayon din naman sila, bilang isang guro madame ka ding iuuwi na trabaho parang hindi nga ito sapat para sa kinikita mo. Sana maisipan din ng gobyerno na bigyang importansya ang mga guro na nasa pribadong paaralan sa maliit na paraan malaki ang naitutulong nila kasi malaking kabawasan ang mga batang napasok sa private schools, imagine kung lahat ng bata sa public lang, kakayanin pa kaya ng guro ng public schools?

Natapos ang paguusap namin sa isang nakakalungkot na pagtanaw at nakakatawang mga banat. Para sa mga guro ng private schools wag na wag niyong iisipin na hindi kayo mahalaga malaking tulong pa kayo sa society ang inyong dedikasyon ay hindi matutumbasan ng kahit anong pera. Maraming maraming salamat!

Thoughts to ponder 💭

Beloved, let us love one another, for love is from God, and whoever loves has been born of God and knows God. 1 John 4:7 






Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.