"Miss miss pwede makipagkilala?"
Masyado atang deep yung last blog ko kaya duon naman tayo sa medyo light naman ng konte recently kasi yung colleague ko ay naka-receive ng text from one of our bus drivers as I mention kasi before sa mga nauna kong blog nag-provide ang company namin ng shuttle para convenient and safe ang travel namen going to work so before kami sumakay check muna ng driver or his assistant ang temperature mo right after mag log in kame providing even our cellphone number para in case na need nila kami ma-contact. So going back si teammate ko nagulat at bigla siya naka-recieve ng text akala niya pa nga nung una may emergency or something yun pala mag get to know lang si Kyah aayyyiiieee...
Maraming paraan ang mga boys ngayon to communicate with a girl that they like unlike before nuong panahon pa nila Papi na sulat na nga lang 6 months pa ata bago makarating sa hirap ng byahe. So I can say na very lucky ang mga pusong naghahanap sa panahon natin ngayon kasi maraming ways to get to know or first approach someone.
On a girls perspective, here for me are the do's and don'ts when making your first move or first approach :
Cat calling
"Miss miss ang ganda mo naman"
"Hi Miss"
Ayon kay google dictionary cat calling is to whistle, shout, or comment of a sexual nature to a woman passing by. Ayan very informative tayo this days, based on my personal observations ang mga lalaki kasi feels flattered when approached publicly probably ego booster ito but it is the total opposite sa aming mga girls para sa amin we feel degraded or gawin na nating mas simple at madali intindihin nakaka-bastos! I am not saying na universal ang feeling na ito kasi may mga nakikita padin naman akong mga girls na flattered sa mga ganyang approach pero in general nababastos kame so do the math para matantya mo kung effective padin bang gawin ito.
Medyo tricky ang isang ito kasi do or die siya, first depende siguro sa paraan nang pag-chat or text niyo sa girl. I personally see no issues in being creative enough na hanapin ang social media accounts ni ate girl para ma-PM or DM siya plus points na nga iyon for effort. Sa pag acquire naman ng cellphone number will depend also either ang labas mo ay creepy stalker or nag effort lang to know the right person to get ate girl's number. The next thing is the first message mahabaging langit wag naman sana "Hi po! Kumusta?" unang una di kayo close para sabihin niya sayo ano ba ganap niya lately so I would suggest get to the story muna paano mo nalaman name or number niya then introduce yourself properly parang nagpapakilala lang sa first day of school tapos set expectations na at least maganda tignan diba hindi bastos or creepy.
Same with acquiring their phone number or fb account do or die din ang paraan na ito let me give you a good and bad example. Simulan natin sa good para di naman nega agad agad. Share ko sa inyo ang personal experience ko ng lapitan ako ng isang guy who works with me in the same company ang style niya ganto "Hi nakasama kita sa training kumusta nakapag phones na kayo?" oh ha pak! In a way medyo kampante ka kasi hindi malakas ang dating or manyak na manyak ang datingan pa-work related si kyah kahit na halos everyday nalapit siya para mangumusta LOL. Dun naman tayo sa negative experience naman ng co-worker ko sa isang kyah sa company, habang sya daw ay paakyat bigla nalang hinila ni Kyah ang i.d. niya sabay sabing "Message kita mamaya, ako nga pala si ****" huwaw define confidence ayun sinumbong siya sa HR kasi ang bastos daw as a result upon investigation ganun pala ginagawa niya mostly sa mga babae na type niya at di lang isa medyo madame pala sila susme!
I would personally suggest na ganito ang gawin niyo unang una hindi awkward pangalawa hindi ka naman siguro wawalanghiyain ng friend mo at sasabihin agad is "Si **** nga pala gusto ka makilala niloko niya yung last Girlfriend niya eh" ha ha siguro pinaka default lang naman na magaganap dyan is "*** si *** friend ko siya at katabaho sa dati kong company" yan mga ganyan oh tapos mega the moves kana to get to know si ate girl at least papansinin ka niyan kasi unang una kaharap niyo pa ang common friend niyo kaya di ka naman niya babalahurain unless e ibang babae siya at may ibang approach sa buhay eto naman eh in general lang.
Ayan kung ma-effort ka naman talagang tao at gusto mo ay may datingan ng pa-destiny epek na "andito ka din pala?" edi instead na ipakilala kayo ni common friend eh ipaalam mo sa kanya mga events ni ate girl na pwede mo din madaluhan (pero wag gate crasher nakakahiya mamaya ma-kwento kay ate girl stalker magiging peg mo hindi ma-effort LOL) at habang nasa event smooth lang ang galawan na asa area ka niya para pwede mo pasukan ng "nakakatuwa din naman ang mga palaro nila ano?" oh diba conversation starter ang mga ganap sa event meron na kayong something in common.
hi..im edwin.. :)
ReplyDelete