Keyboard Warriors vs Alucard
Nakakatuwang magbasa minsan ng mga thread ngayon sa Facebook comment section, talaga namang buong tapang nilang pinaglalaban ang kanilang paniniwala. Kahit na sinasabi ng marami na very toxic na ang mundo ngayon at punong puno na ng negativity dahil sa naglipanang keyboard warriors sa social media gusto ko tignan natin siya in a more positive way.
Ayan sa positive lang tayo pwera lang sa covid test result ha! Anyways yun na nga, kahit sa Facebook, Instagram or Twitter madame kang mababasa na iba't ibang komento merong very informative merong punong puno ng emosyon (mostly galit) at meron namang mema lang oo kayo yan mga ang iko-comment sa isang napakahabang thread about sa isang importanteng topic e...
"Nothing lasts forever, we can change the future"
"Let me show you the art of killing!"
Kala mo ba eh kasali si Alucard sa nagaganap na kaguluhan sa politika o mga issues ng mga celebrities, ganyan ata talaga kakulit ang pinoy kaya natin ilabas ang ating kulit kahit na sa pinaka toxic ng usapin. Sa hindi kilala si Alucard ayan ayan lumalabas edad char! Isa po siyang character sa mobile legends laro kadin para relate ka LOL. Sa totoo lang hindi lang naman quotes ni Alucard makikita mo minsan andyan din sila Nana, Tigreal at kung sino sino pa, napansin ko lang gamit na gamit si Alucard.
Isa sa mga tinuro ko nuon ay ang kultura o way of life ng mga Pinoy, ang ating social behaviors. Masasabi ko na in general ang behavior ng mga Pinoy ay mapagtimpi kasi nuong wala pang social media hindi ka makakarinig ng maraming komento at least sa harap mo, hindi ko sinasabing hindi tayo mareklamo nuon pero hindi lang tayo ganuon ka-vocal tulad ngayon. I must commend ang malaking influence ng mga dayuhan kasi para sa akin oo masyado na ngang toxic ang mga mababasa mo sa social media pero in a way natuto tayo na magsalita or yung sikat na pinagtatalunan ngayon na freedom of speech or the freedom of expression at kapag naman ayaw mo na muna makarinig you always have the option to turn off your wifi to get away or simple lang wag ka magbasa ng mga toxic na thread.
In a positive way of looking at it hindi na suppressed ang damdamin ng bawat Pinoy, lahat tayo ay meron ng way para madinig although hindi perfect ang system kasi meron talagang mas maingay compared sa iba but at least meron na tayong source. Recently din narealize ko kung gaano na kadami ang taong may nalalaman (daming matalino talaga sa bansang ito!) iba ibang opinyon na kapag inisip mo ay lahat naman may punto.
Naniniwala ako na darating ang time na matututo din tayo na mas palawakin pa ang self expression natin, hindi ito matatapos sa dyaryo, Youtube or social media, mas lalawak pa ito at mas dadami pa ang pagtatalo na magaganap pero mahalaga ito, kasi sa pamamagitan ng pagtatalo kung bukas ang iyong isip ikaw ay matututo. Kaya sa inyong mga Keyboard Warriors ito lang masasabi ko sa inyo...
"Hehey, not bad!" - Alucard
Comments
Post a Comment