Kahit pa paulit-ulit na saktan.

Dahil nasa punto nako ng aking buhay na wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba let me go ahead and share more about my source of happiness and heartache at hopefully may matutunan ka sa babasahin mong ito. Isa muna kasi masyado nako lubog sa kahihiyan kung bibiglain natin agad na maramihan andame kasi talaga beshy!

Kung meron atang contest ng paguluhan ng buhay pwedeng pwede ko talaga ilaban ang buhay ko kasi sa lahat ata ng categories ay palagi akong merong sablay, pero today I would be sharing about my lovelife. Failed ba or success will depend on your stance in terms of how one should give and receive love.

I had my first and only boyfriend when I was in 2nd year high school so since k12 na ngayon ang katumbas nya grade 8 kung tama ang compute ko 15 years old ako nuon. Maaring para sa iba masyado pa akong bata ang masasabi ko lang eh talaga naman LOL! It was just pure friendship kasi nag start kami maging close kasi kinukwentuhan nya ako ng about sa crush niya kaso dahil ang mga pinoy ata talaga ay likas na malisyoso na-chismis kami na may something daw kami (kaya wag niyo po lolokohin ang mga bata kasi imbes wala sila malisya nagkakaroon) kaya napilitan kami I-reevaluate ang aming friendship. In my opinion as adult I think magpo-progress din talaga dapat kami as boyfriend girlfriend pero imbes na matagal pa ang tatahakin mas napabilis sya kasi naging aware kami sa growing feelings namin para sa isa't isa.

Nag-break kami after 2 years, hindi na-survive ang high-school kasi masyado pa nga kaming bata namimiss pa ang pagiging malaya, ka-tropa pero nagkabalikan kami after a year of no communication galeng no! Akala ko talaga nun the end na pero bumalik siya medyo mas matured kasi 1st year college na kami nun. At hindi na kami nag break after kasi ang usapan namin kapag mag-aaway away lang walang hiwalay kaya kapag may nagsabi ng break up alam namin na it is for real.

Naka-graduate, nagka-trabaho, nag-resign, nag-apply ng siya padin ang kasama ko, kami ang epitome ng kantang "kasama kang tumanda" kasi literal na nakita ko at nakita niya ko tumanda. Lahat ng mga pagbabago sa isa't isa magkasama namin nasubaybayan. Wala ako nung pangarap kung hindi siya, I fell hard in love. Alam mo yung mag-aabroad lang ako kung gusto niya, gagala lang ng kasama siya, he is my number one priority, my only priority pa nga minsan.

So the question now is nagkatuluyan ba kami? Most people would ask "after 18 years hindi padin kayo kasal?" ang question na yan kung baga sa namatayan ay nalagpasan ko na ang stages of grief ha ha at ng makarating nako ng acceptance naisip ko nalang na paper is not important sabi ko pa nga "yung iba nga kasal hiwalay naman eh kami magdadalawang dekada na kami magkasama" in a way kapag naiisip ko may point naman ang younger version ko to think that way lalo na at naglipana ang hiwalayan sa mundo ngayon pero at the same time naiintindihan nadin ng adult version ko yung idea at importance ng kasal, para pala siyang security blanket isang bagay na magbibigay sayo ng basbas mula kay Lord at buong karapatan ayon sa batas na mag may-ari ng isang tao, iyo na siya at kanya kana.

Pasok ang edad na 30, pressures from work, pressures at home, include mo nadin ang mga personal issues we have decided na mag live-in pero hindi namin nasunod ang turo ni RM (Relationship Matters by Richard and Maricar) hindi kami nakapag leave and cleave, we lived under the roof of his parents which means to say meron nang King and Queen of the house at para sa aming mga nasasakupan nila kailangan makisama. Kilala ko sarili ko alam ko na at some point it will not work, laki ako sa family na working lahat pati ang mother so I was used to having a yaya to do the chores samahan mo pa ng very strong introvert personality ko and ewan ko ba may mga time na kinakain talaga ako ng hiya kapag nangyari yun di nalang ako naimik at talagang dun lang ako sa safe place ko.

I would never recommend living in together at lalong lalo na ang tumira sa in laws so this blog is not to promote the two I am just sharing my experience and by experience I will tell you it's not good! Wag lalandi kung di pa kaya sarili okay?

To continue with my story I ended up going back to my parents house aray! Sinauli si Inday. It was really really really painful hindi ko na alam ano pang modifier ang pwede ko gamitin sa adjective na painful para lang mabigyan ng emphasis ang heartbreak na naramdaman ko. Masakit talaga! yun nalang LOL. But being the strong person that I am I faced everything with a smile just like what I always do kaya nga minsan nag-eenjoy na masyado ang iba na paulit ulit ako saktan siguro kasi palagi lang ako nakangiti. I can laugh even at the worst of situations I realize na I have a problem expressing my feelings in my 30's na, akala ko kasi before kapag madaldal ka yun na magkaiba pala yung madaldal sa marunong magsabi ng nararamdaman siguro para akong clown I wear a mask to hide the pain while making sure everybody is happy except me.

Nag-break ba kami? Hindi but I was initiating break up kasi ano pa nga ba saysay if he is not fully committed to you. Ngayong ganto nakong edad ko na-realize na mararamdaman mo pala kung ang lalake is 100% iyo with or without a marriage certificate basta dama mo lang but with him I can feel the commitment of making the relationship work but not his commitment to me ang gulo ba ng description ko? Eh basta yun balakadyan ha ha.

So here's my unsolicited advice kaya sa ayaw at sa gusto mo ibibigay ko LOL! 

Girls
It's not ideal na mag-jowa ng masyado pang bata maniwala kay nanay aral first bago lande! Nakakatawang isipin na sasabihin ko yan habang ako batang nagka boyfriend, nakaka-kilig at nakaka-inspire naman talaga pero sana isipin nyo muna yung bawat gravity ng decisions niyo hindi lang sa pagpili ng boyfriend kahit sa kaibigan applicable ito because you are allowing this person in your life and by becoming part of it intentionally or unintentionally they can and will hurt you might as well deal with the shit when you are older. 

Young adults - Women
Make sure that you are with someone who is not only committed to the relationship but is committed to you and you alone. Pwede kasi siya maging committed to make the relationship work out of decency kasi alam niya na ilang taon na ng buhay mo ang naibigay mo sa kanya e para bang nahihiya nalang ganern. Dapat someone na after makita ang mga flaws mo mamahalin ka padin niya na walang judgements period.

Boys
Tulad nga ng pinost ko last time wag niyo lalandiin kung di niyo naman mamahalin char! Ligaw ligaw lang pero wag agad seryosohan para ma-enjoy nyo pareho ang young life nyo. Wala ako masyado masasabi sa inyo kasi mostly naman talaga sa ganitong stage or age ng mga boys bihira pa ang seryoso eh, MOBA nalang muna bago lande char! aral pala LOL baka ako pa pagalitan ng mga nanay nyo. 

Young adults - Men
Manage your expectations sa inyong future wife (kung pakakasalan nyo nga) unlike you women are stronger kasi para kaming bato na malapit sa dagat na hinahampas ng tubig sa dami ng expectations at adjustments na kailangan namin gawin kasi yun ang expectations sa amin ng society wag na kayong dumagdag pa. Let me elaborate on that para mas maging malinaw, pagka-graduate ng college iisa lang ang expectation sa babae at lalake dapat makapag hanap ng trabaho o makapag negosyo as source of income possibly makapag-ipon. By the age of 25 simula na ng pressure sa mga babae na mag-asawa kasi "their ovaries are waving" nadaw while sa mga lalaki wala yun padin work ka lang. Does society expect you to be married by this age? hinde kasi lalaki ka naman kahit ilang taon pwede daw so ligtas ka sa paulit ulit na tanong na "kelan kaba mag-aasawa?". By 28 and above society expects na marunong na mag manage ng home ang isang babae bagay na possible na hindi niya naman before ginagawa (hindi kasi pwedeng dalawa ang reyna sa bahay dapat isa lang princess na yung isa) kaya another adjustment nanaman yun isama mo pa kung magkaka-anak na siya, along with all that ang body changes syempre na dala ng pagbubuntis na kayong mga lalaki hinding hindi ninyo mararanasan (unless hermaphrodite ka at pwede ka din mabuntis) and during this stage what does the society expects from you? Wala ganon padin basta kailangan may work to be a good provider. Kaya pwede ba kung nagger man ang partner mo give her a break! She had been through and will still be going through a lot of shit be the person that will be there to support her, the only person na alam niyang magiging sheild niya from all the expectations ng society, ang kanyang number one kakampi at someone na mag-sasabi sa kanya na "don't worry babe andito lang ako to support you" pak ganern! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?