I am a strong woman

Grabe na talaga si Bella Padilla palagi nalang niya sinasaktan ang puso kong marupok ano ba yan girl masyado mo nanaman ginalingan sa part na yan!

So kanina habang nagpapaka feelingera akong cook kahit legendary naman na alam ng lahat na kinulang lagi sa lasa luto ko eh mega luto ako ng madami at habang ginagawa ko yun naisipan ko panuodin ang "The day after Valentine's". Dahil ang artista ay si JC at Bella medyo ni-ready ko na ang sarili ko sa kakaibang tema ng palabas ilang bes na kasi nila ko na budol na akala ko simpleng love story feel good lang tapos deep pala ang palabas about sa mga need na i-rehab dahil sa addiction nila mga ganon ba so medyo akala ko ready nako this time. At least that is what I thought.

Alam kong medyo late na kasi antagal na ng movie na ito naipalabas pero ganun kasi talaga ako manuod e kapag nag fizzle na ang news at lahat ng advertisement about sa movie saka ko talaga sila pinapanuod. Mega explain pa si ateng no ayaw nalang sabihing wala siyang pambili ng ticket kaya Netflix nalang ginawa LOL.

So nag-start si film na pinakita duon na parang problematic si Bella sorry guys di ko talaga inaalala ang character names e. Tapos si JC naman parang chill lang ganon happy hanggang sa nag flashback ang film sa pagkikita nila. Si JC sinasaktan niya sarili niya at tinulungan siya ni Bella na ma-overcome yun umabot pa sa point na nangutang siya para masamahan si JC sa Lanai sa Hawaii worth 65k daw ang magiging pamasahe. Nung okay na si JC sa family niya he chooses to stay habang si Bella bumalik sa Pilipinas at duon naman pinakita ang kanyang dark past which is battered child pala sya. Pagbalik ni JC sa Pilipinas pinaramdam niya agad kay Bella na hindi na katulad ng dati hanggang sa naganap na nga ang car scene.

Sinabi ni JC na ang minahal niya is si Bella na strong pero dahil pinakita ni Bella yung brokenness niya nawala yung interest ni JC sa kanya. Sobrang sakit ng line ni Bella na "I helped fix you! Kaya dapat sakin ka". So to make it short hindi sila nagkatuluyan kasi hindi daw love ni guy si ate girl. Ang sheket!

Para sakin napaka simple ng movie na ito pero napaka realistic niya din at the same time, hindi man siya katulad ng mga feel good movies na andyan kung saan alam na natin na happy ending pero sa movie na to pinakita nila na ang reality ng buhay is hindi lahat pwede magkatuluyan. Hindi lahat pwede mahalin, hindi lahat ay babalikan ka. Masakit man sabihin pero this is not in general naman pero men easily lose their interest sa babae kapag hindi na maganda ang nakikita nila it can either be physically or emotionally just like what this show have shown me.

Sapul na sapul yung sabi ng bida duon na "sabi mo sakin maging honest ako sa nararamdaman ko diba that is why I showed you the real me na I'm broken" aray kupo! Siguro kung broken in a different level madali ma-attract ang guy like nasasaktan sa piling ng jowa nako madami nafo-fall sa ganyan may pagka knight and shinning armor disorder kasi mga kalalakihan eh they want to save the girl mula sa ibang guy thinking na they can do better pero yung brokenness kasi ni Bella sa film na ito is something deeper and to hard to handle para sa guy.

Some might argue na siguro hindi lang talaga ganun ka-mahal ni JC si Bella sa film kaya he lost interest after knowing all of Bella's pain and sorrow siguro nadala lang siya kasi si ate girl lang ang kasama nya all the time na he is feeling depressed and has the urge to hurt himself kaya mga ate koya kapag in pain kayo wag kayo mag assume na inlove na kayo sa kasama ninyong kaibigan palagi kasi baka malungkot ka lang!

10 Things na natutunan ko mula sa movie na ito: 

1. Syempre tulad nga ng nasabi sa taas wag natin agad bigyan ng label lalo na kapag love mamaya akala mo inlove kana yun pala malungkot ka lang.

2. Hindi lahat is kayang tanggapin ang iyong brokenness kasi some people are just there for you to shine some light on them parang too dark na kung pareho kayo broken.

3. Hindi lahat ng nagsabing babalikan ka ay talagang babalik yung iba balak nalang bumisita paminsan minsan LOL hayup!

4. Mental health is not an easy issue to deal with kaya wag dapat natin isantabi ito. Better to reach out sa mga experts pero kung hindi kaya at least mag reach out sa iba.

5. Fix your own shit before trying to fix someone else's.

6. Hindi guarantee na nag - effort ka e sayo na siya utang na luob is not convertible into love.

7. Ang pagpapatawad ay hindi para sa tao na pinatawad mo kundi para sa kalayaan ng puso mo.

8. You can only do so much for someone the rest is still up to them.

9. Maganda sa Hawaii travel tayo dun next time!

10. Mag-iingat sa mga movie ni Bella kung ayaw mong masaktan!

Kung di mo pa napapanuod ang movie na ito at willing ka naman manuod ng movie about the real world (kasi sobrang real nito as in!) and the real things that is happening around us push mo na to beh at para malaman mo nadin kung bakit yan ang title ng blog na ito, woth it sya promise! 

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?