Hanggang sa napagod na siya.

Naranasan mo naba na ikaw ay paasahin? Eh yung mag-paasa? Either way alam mo bang pareho siyang masakit? Maaring ang magiging reaksyon mo ay "teka ikaw na nag-paasa ikaw pa nasaktan?" common knowledge na siguro sa mga tao ang idea na kung sino ang hinahabol habol siya ang okay at kung sino ang humahabol siya ang kawawa but for me that is not always the case.

Since sanay naman ako siraan ang sarili ko sa mga blogs ko todo na natin to! Sharing time ulet LOL. Isa sa mga bad behaviors ko nuong aking freshness days (kasi dugyot nako ngayon char!) ay ang mag entertain ng mga admirers that is kahit na I am very much in a relationship, malakas luob kong isulat to ngayon kasi tanggap ko na sa sarili ko ngayon mga pagkakamali ko at humingi nadin ako ng sorry sa boyfriend ko, actually kaninang kanina lang namin napagusapan ha ha. Sa hindi ko din naman malamang dahilan kahit na alam niya hinahayaan niya lang ako tipo bang "bahala ka diyan!" siya siguro talaga ang epitome ng confidently beautiful with a heart, walang selos selos kasi alam niya na in the end once I am done with the person I am done, lakas maka evil step mother lang ni Cinderella diba charat!

Nuon kasi when someone admits na they like me or wanna pursue me hindi ko sila pinipigilan beri beri light lang; LOL landi din, syempre it's nice to be admired saka aminin lahat naman ng lalake ang galing galing niyan sa una parang wala kang pwedeng gawing mali sa mga mata nila. Ikaw ang pinaka maganda ikaw ang prinsesa at reyna oh ha ikaw na talaga ateng. 

Again nuon naman yan hindi na ngayon I am a change person mas responsible nako ngayon sa mga acts ko at sa magiging result nito sa iba pero bukod ba sa panlalaglag sa sarili ko ano paba ang nais ko iparating sa blog na ito? No one is that cold hearted. To all the boys I have landi (wow parang yung serye lang sa netflix with a twist) before hindi po totoo na hindi manlang ako nakadama ng lungkot kapag andun na tayo sa part na kailangan ng itama ang mga pagkakamali kapag kailangan ng umayos. It is as painful to me as it is painful to you kasi masakit din naman makasakit, kahit kelan hindi iyon okay and that is why through this blog I am owning up to my past mistakes. Hindi ako takot na sabihin na nagkamali ako at aminin ang mga ginawa ko kasi ginawa ko yon at hindi iyon tama. At sa mga oras na nagmo-move on kayo (kayo talaga parang andami niyan ate girl char!), nag move on din ako. I would always grief the death of your love towards me (ganda mo sa part na yan gorl!) and at the same time I feel na thankful ako kasi minahal mo ko.

Isa lang ang napansin kong trend sa lahat ng iyan madadama mo kapag andun na sa punto na pagod na siya sayo. Pagod ng intindihin ang sitwasyon, pagod ng magparaya, pagod na mag intay, hanggang sa ang dating palagi nakangiti sayo ay mapapaltan na ng galit o inis. Yung tao na palagi andyan ay magsisimula ng lumayo. Love, it ends when one wants to end it. Hindi pala siya kusa nalang nawawala it is a decision to stop the love you feel for someone kasi siguro enough is enough.

Kaya sayo na nagbabasa nito kapag malungkot ka wag mo balingan ang iba, kasi hindi ka nila mapapasaya forever na katulad ng tao na talagang mahal at gusto mo at some point magsasawa ka at babalik padin sa kanya na nagmamay-ari ng puso mo, wag mo sila gamitin kasi nasasaktan din sila, wag mo sila paasahin kasi hindi nila iyon deserve at higit sa lahat wag mo silang turuan magmahal para lang din iwan.

Thoughts to ponder 💭
“I will not try to convince you to love me, to respect me, to commit to me. I deserve better than that; I AM BETTER THAN THAT...Goodbye.”

― Steve Maraboli, Unapologetically You: Reflections on Life and the Human Experience

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.