Endless Love

Isa na talaga akong confirmed aswang, natutulog ng 7:00 pm gigising ng 2:00 am tapos matutulog nalang ulit ng hapon may sa abnormal lang diba? So eto sa ngayon wala di nanaman ako natutulog pa kaya naisipan ko kanina na 5:00 am eh maglaba na para hindi sayang ang aking oras. 7:00 am eto siyempre gising padin ako kaya naisipan ko bigla lang silipin ang blog page ko surprisingly enough ang aking mga close friends and family nag iiwan na ng comment sa mga blog ko mukhang nag-eenjoy naman kayo sa mga revelations ko sa buhay ano? Sarap basahin ng mga kagagahan ng frenny niyo? LOL.

Sobrang sarap talaga ng feeling kapag na-aappreciate ka pero para sakin pinakamasarap yung feeling na tanggap ka in all your beauty and madness andyan lang sila. Ako kasi yung tipo ng tao na mahirap mahalin (at least in my perspective) mahirap mag-stay sa tabi ko kasi madami ako topak madami akong pagkukulang for short kulang - kulang po ako char! Kaya parang sobrang big deal sakin kapag ang isang tao ay nanatiling kaibigan ko after seeing all the best and the ugly.

9 things that I am grateful for sa aking mga kaibigan: 

1. Asar pero di talo
Malakas ako mang - asar as in sagad! Lumaki kasi ako sa pamilya na bawal pikon or else kawawa ka kasi everyday talaga walang humpay kaya sa mga kaibigan ko alam niyo na sino kayo kasi iilang piraso lang kayo, salamat kasi sa lahat ng asaran na sinabayan niyo ko talagang napasaya nyo ko. 

2. Kasama kang tumaba
Sila yung mga tao na palaban sa kainan kahit na diet kaming lahat kasi di na kami mga bata pero once na mag - aya ka ng kainan kahit pa makarating kayo ng tagaytay sa kakarampot na budget ay talaga namang sasama sila.

3. Ang mali mali wag kana magdahilan impakta ka!
Kapag ako ay may kagagahan nanaman na nagagawa sila yung unang mag call out sakin tandang tanda ko pa ng mga panahong pinagagalitan ako ni Barney talaga namang napaiyak ako pero okay lang kasi alam kong mali talaga ako. 

4. Overnight
Maaring sa mga palabas ang cute ng mga eksena nila kasi may mga pillow fight eksena pa sila pero kami walang ganon! Kung hindi mag make up, photo shoot, inuman ay chisimisan ang magaganap at sino topic sa chismis? Kami haha pinaguusapan namin mga palpak namin sa buhay. 

5. Support System
Ang mga kaibigan ko para yang immune system ko nadin sila yung aking panlaban sa mga nananakit charot! Sila yung andyan para suportahan ako sa aking pain and happiness hindi mo mararamdaman na mag-isa ka.

6. Number one fan
Bet na bet namin i-appreciate ang strength ng bawat isa para mas ma-boost ang confidence na gawin ang aming mga passion.

7. Ears to listen
Sila yung mga taong handang makinig sa hindi matapos tapos kong rant sa mga ganap sa pasko ako daw kasi si "the grinch who stole christmas" charot!

8. Positive 
I'm proud to say na ang set of friends ko ay positive influences sa buhay ko, sila yung mga tao na hindi into sa mga negativity sa mundo duon lang sila madalas sa mga positive at talagang makakatulong sa buhay bawal nega vibes! 

9. Unconditional Love 
Masasabi ko na unconditional ang love nila sakin kasi tulad nga ng intro ko kahit na anong ugali na ang naipakita ko sa kanila andyan padin lang sila wala eh ganyan siguro talaga kapag totoo ang pagmamahal na binibigay sa iyo kahit ano kapa basta mahal ka. 

Having said all that I guess ma-imagine mo na, na konti lang ang kaibigan ko and I would loudly answer that with a big YES! konti lang ang Liker ko sa Facebook paulit ulit na mukha lang ang taong makikita mo sa facebook timeline ko, pero kahit na ganun sobrang proud ako kasi ang mga taong yan salang sala yan, sila yung kahit alam kong wawalanghiyain ako ng mundo sila yung mga tao na andyan lang para sakin, hindi nila ko kakampihan sa mga kagagahan ko pero hindi sila aalis sa tabi ko, andyan lang sila para pagalitan ako, pagsabihan pero wala akong sobrang sama na magagawa enough para iwan nila ko basta andyan lang sila mga judger pero lover, sila ang mga Lovers ko na alam kong forever naks! Appreciation blog ba ito? Hi Sis alam ko na sino ka ang blog na ito ay inspired sa iyo. Salamat! 

Comments

  1. Ayan 5:30 am na ulit ,basa na. Hehe. Ang galing nemen, nakakamiss ka sis. Nagiging lalake na naman ako, char! 😁✌️🤗🤗
    Ang tagaytay! Syempre,!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?