Borrowed time

Habang ako ay naghahanap ng picture para sa frenny ko na nag birthday today at naglalaba nadin (washing machine syempre!) biglang nag chat ang aking long time sis. Nag start ang aming love story (charat love story talaga LOL) nuong nagtuturo pa ako. Ang friend kong ito ay super baet actually silang dalawang magkapatid (dalawa kasi sila nun na naisipan magturo sa private school) palagi ko nga sinasabing hanga ako sa pagpapalaki ng parents nila sa kanila kasi parang wala silang masamang buto sa katawan. Kahit pa gaano katindi ang pinagdaanan nila nuong araw palagi padin sila nakangiti at mabuti ang pakikitungo sa lahat siguro isa yan sa dahilan kung bakit din sila ngayon ay super blessed.

Going back, na lost nanaman ako andaldal ko kasi nagchat sa akin ang aking sisteret (I guess you know now I mean he is not a girl? I love LGBTQ) at first tipikal na kumustahan lang about his diet kasi ang sexy nya lately eh! #inggiteraAlert Hanggang sa napunta na kami sa kumustahan ng jowa. May poblema pala sila ngayon at sabi niya nga to describe it in his own words "Ito malabo sa sahig na hindi nafloor wax". At first hinayaan ko lang muna siya mag open kasi di ko alam kung listener ba kailangan nya o payo eh tapos sabi niya okey lang naman daw magtanong.

So here is the summary nalang ng problems nila, career choice issues, money issues at may pagalingan daw na nagaganap. Ito ang aking solicited advice para sa mga ito. Who knows makatulong din sayo. 

Money is an issue if you make it an issue.
I'm no expert pero base sa aking mga nakakasama may asawa or single ang usaping pera ay magiging maselan lamang kung hindi kayo nag usap ng maayos tungkol dito, applicable ito sa mag asawa, mag-partner at kahit pa mag boyfriend. Wala kasing perfect formula dito e, wala yan sa kung sino may hawak ng pera kung paano niyo gastusin ang pera kung mag share ba kayo o hindi for me depende yan sa pag-uusap ninyong dalawa, what may work perfectly for you may not work for me, pero ang mahalaga is sa inyo ng partner mo it works di naman kailangan kopyahan kasi iba ang personality ng mga tao lalo na pagdating sa pera. Merong magastos, merong matipid meron namang tama lang.

Status can sometimes affect respect.
Sabi ng mga katrabaho ko nung isang bes naririnig ko sila magusap (chismosa lang) una daw tinatanong kapag first meet up is ano ang work mo, bakit? Kasi para daw ma-asses ng tao ang level of respect na ibibigay niya sayo. Sadly this sometimes is also what's happening sa ibang magkarelasyon ang level ng treatment na ibibigay sa ka-partner ay nakaayon sa pagkatao niya hindi nakaayon sa love na deserve niya. Simple lang kasi yan, kung mahal mo igagalang mo, aalagaan mo at dadamayan mo sa kahit gaano pa kalalim o kababaw na mga problema niya. Kahit pa tungkol sa hair blower yan basta may kinalaman sa kanya it should be your top priority.

Being there to judge not to support.
Tulad nga ng nasabi sa taas kadamay pero minsan akala ng mga partners natin sapat na, na physically present sila that is a big NO! Mararamdaman kasi ng partner mo kapag ikaw ay andyan lang pero hindi ka naman talaga concerned sa kanya at minsan pa your presence is adding up pressure so kung ganyan ka might as well na wag mo nalang siya samahan, be honest of what you think but don't force your opinion on the person. Malay mo ba kung the next Michelle Phan na pala yang minamaliit mo ang ginagawa magiging milyonarya pala siya. If you don't think it will work at least wag mo ipadama sa partner mo malaking tulong nadin yun sa kanya and who knows kapag nag work edi okay kapag hindi edi you can support by saying "Isip ka nalang ng iba mong gagawin".

Life is not a competition.
Amen! May kanya kanya tayong journey, maswerte ka kung mula sa simula ay alam mo na ano gusto at ayaw mo, goals mo sa buhay, good for you pero kung ang partner mo is hindi ganuon make sure to keep in mind na may kanya kanya tayong journey ng buhay, sabi nga ng ate ko may mga tao na nakakapag asawa ng ibang age na hindi naman required na pare-pareho kayo ikasal sa ganuong edad or na dapat stable as successful kana sa age na ganto o dapat may bahay kana kasi sila meron na; life is to enjoyed and to be lived not by the standards of others but by your own standards, your own phase. Sige makipag-karera kayo dalian nyo ah! Alam niyo naman siguro saan ang dulo ng buhay diba? Sa hukay! Char.

Summarize ko lang ang sermon ko charot! Sa mga nagbabalak na magkaroon ng karelasyon palagi niyong tatandaan (kasali nako dyan!) na ang pagkakaroon ng kasama sa buhay ay isang napakalaking adjustment hindi lang sa kanya kung hindi sayo din, hindi pwede na ang may kasalanan lang ay siya palagi kayong share sa responsibility sa inyong relasyon (pwera nalang kung nagkuha sya ng kabit hindi yun shared kasi di ka nila sinale LOL!). Be open to communicate kasi walang poblema na naaayos through sex minsan kailangan din mag-usap malaladi kayo char! Okay balik nako sa paglalaba.

Thoughts to ponder 💭

Only God gives inward peace, and I depend on Him. God alone is the mighty rock that keeps me safe, and he is the fortress where I feel secure. Psalm 62:5-6

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?