Araw - Gabi (mamamalayan mo nalang na hindi na pala masakit)

Parang natakot ako sa huling pinanuod ko ah! Lahat kasi ng symptoms ni Alessandra sa "Through Night and Day" na movie meron ako. Napakasakit niya sa dibdib beshy simple lang siya pero ang sakit lang. Naalala ko tuloy kapag tinatanong ako ng mga friends ko kung paano daw kapag hindi kami nagkagtuluyan ng jowa ko after being together in such a long time hindi kasi biro ang long time namin beshy mag da-dalawang dekada na kami something na very hard ma-achieve kahit pa ng mga mismong mag-asawa kaya I'm proud!

Anyways going back sa question palagi ko sinasabi sa mga friends ko na kung hindi man kami magkatuluyan ay magiging masaya padin ako para sa kanya ang hypocrite lang ba pakinggan? Most of them would say "di kaba magiging bitter kasi sa tagal niyo di padin ikaw nakatuluyan niya?" to be honest sino naman hindi makakaramdam ng bitterness sa una diba lalo na at talaga namang minahal mo yung tao at talaga namang naging malaking parte siya ng buhay mo pero naniniwala ako na time, it heals all wounds; mamamalayan mo nalang na hindi na pala masakit, mamamalayan mo nalang na okay kana pala na kaya mo na.

Alam ko na kapag nangyari yun dadating at dadating sa point na matatanggap ko din ang lahat and knowing me alam ko na magiging masaya ako para sa kanya in a weird way I have this belief na I would rather not have him and see him happy with someone else than be with me and be miserable malakas kasi ang paniniwala ko sa unconditional love yung nagmamahal ka lang pero di porke mahal mo dapat iyo na siya na dapat mahal ka nadin niya hindi kasi ganun yun for me yak ang cheesy ko tuloy! Kayo may gawa nito Paolo and Alessandra ginawa niyo din sakin ang ginawa ni Bella mga nakakasakit na kayo ah!

Sa mga hindi pa nakakapanuod ng palabas na ito at hindi naman kayo mahilig sa mga common na klase ng movie I suggest you take the time to watch this pero panuodin mo ng mag-isa ka lang para umiyak ka man wala makakakita hi hi hi! Sa movie na ito pinakita ulit ni Ms. Alessandra de Rossi kung bakit siya ang makabagong Nora Aunor ng henerasyon na ito, for me super underrated siya. I feel na mas deserve niya ang magkaroon ng mas madaming projects sa telebisyon as for Paolo Contis I expect nothing less since isa nadin siyang beteranong aktor at lumaki na siya sa harap ng camera superb acting!

Ano ba mga natutunan ko sa movie na ito:

    1. Lahat ng love perfect at masaya sa una hindi niyo pa kasi ganun kakilala ang isa't isa so wala pang mali lahat tama.
    2.Masarap magmahal lalo na sa tamang tao. 
    3.Masakit magmahal lalo na kapag sobrang mahal mo. 
    4.Sa isang relasyon mahalaga ang pasensya at pagbibigayan. 
    5.Mahalagang pag-usapan ang nararamdaman at saluobin ng bawat isa mali ang magkimkim ng tampo o galit. 
    6.Maging sensitive sa partner hindi puro ikaw nalang tse! 
    7.Mas makikilala ang isa't isa kapag nag travel so ano pang inaantay niyo? Charat palagpasin muna covid. 
    8.Hindi lahat ng nag-break ay magkaaway ang iba nagiging magkaibigan. 
    9.Hindi lahat ng low budget na film panget yung iba tulad neto trending! 
    10.Mag-iingat din kayo kay Alessandra pinaiyak nako niyan before sa film nila ni Empoy inulit nanaman niya ngayon enebe. 

Comments

  1. First Empoy now si Paolo Contis... sino kayang next... Agreed Alessandra can be the next Nora Aunor.. na curious na tuloy ako. I'll make sure to watch it on my rest day. Continue writing Sis I really believe in your talent.

    ReplyDelete
  2. First Empoy now si Paolo Contis... sino kayang next... Agreed Alessandra can be the next Nora Aunor.. na curious na tuloy ako. I'll make sure to watch it on my rest day. Continue writing Sis I really believe in your talent.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

The Grumpy Old Lady

Kelan ka mag-aasawa?