The art of deadma
Masasabi mo lang talagang nasa Pinas ka kapag nakakita ka na ng mga nagkumpulan sa labas ng bahay nyo tapos maririnig mo simula ng mga usapan nila eh ganito "eh diba si Keme nga nabalitaan ko sumama na sa kabit niya" tapos sasagot naman yung kausap ng "talaga ba?" oh ano ka may pa-confirm pa nga si ateng.
Sa di malamang pinanggalingan pero sadyang naging hilig na talaga ng mga Pinoy ang mag komento sa buhay ng ibang tao na para bang kasali na sila at kailangan ng valid explanation sa bawat desisyon na gagawin ng iba sa buhay nila.
Hindi tuloy maiisawan na magkaroon ng di pagkakasunduan sa mga magkapitbahay, magkaibigan, magkatrabaho at minsan pa nga ay sa mismong magkamag-anak dahil dito. Kahit na alam naman nating lahat na hindi ito mabuting gawain ay talagang hindi siguro maiwasan ng iba ang hindi magsalita. Kagaya na lamang ng mga kapitbahay namin na nagpalitan ng salita sa labas ng bahay namin dahil pati daw kung sino ang nagbabayad ng ilaw ay pinakikialaman ng isang kapitbahay namen.
Ang blog na ito ay para sa inyo mga mosang sa kanto na sayang saya pagusapan ang buhay ng ibang tao. Gawa tayo ng list of reasons kung bakit mayroong mga ganitong tao, wala lang para masaya sila naman pag chismisan natin.
Madaming oras sa kanilang kamay
Ito yung mga taong kayang mag aksaya ng oras ng buhay nya para ialay sa pagbibigay ng atensyon sa buhay mo maaring para sa kanila hindi mahalaga ang buhay at oras nila enough para ubusin ito sayo so beshy be proud ganuon ka nila kamahal!
Inggit sa kapwa
"Galing ngang abroad pero wala namang naipon kasi inuubos sa pagbili ng mga pampaganda nya" oh diba ano ba namang pakialam mo kung maubos pa ang yaman nyang natatago as long as pera naman niya inuubos niya pero hindi, kailangan mo magkumento kasi maaring naiinggit ka kasi gusto mo ikaw din. Pak realtalk!
Hindi masaya sa sariling buhay
Ang mga taong masaya sa buhay nila sa sobrang busy niya sa kasiyahan wala na yang oras para makipag chismisan sayo Facebook nga nya halos di na nya ma-update ikaw pa kaya. Pero dahil hindi masaya ang sarili mong buhay meron kang oras para pagtuunan ang buhay ng iba tipo bang naghahanap ka ng tao na masisiraan mo para mag compensate sa pakiramdam mo sa iyong imperfect na buhay, tipo bang damay damay na ito!
Kinulang sa root cause analysis
What they see is what they chismis yun na yun wala manlang effort na magisip ng pinanggalingan oh maaring naging dahilan bakit nagkaganon kaya minsan mali mali ang napapasang information sa kapwa chismosa share ko lang ang isang personal kong karanasan dyan ng machismis kami ng pinsan ko na mag jowa ng dumalaw ako sa kanila at pinakamaganda pang naging conclusion nila live in nadaw kami agad oha! Edi isang linggo nila naaksaya ng sa ending malaman nilang pinsang buo pala kami ng sunduin na kami ng magulang ko sa bahay ng pinsan ko ha ha ganun yung mga chismis at chismosa na masarap bigyan ng ngiting tagumpay award.
Nasasabi ko ang mga yan kasi hobby ko din before ang magchismis paka-totoo lang tayo beshy wag hypocrite, pero ang pinagkaiba ko lang siguro sa iba is na-outgrow ko ang walang kwentang hobby na yan at duon ko na-realize kung gaano ka gaang sa pakiramdam at sa buhay kung ang focus mo lang ay sa sarili mo at hindi sa iba o sa iisipin ng iba. Para sa mga napag-chismisan na ng kapwa tuloy mo lang buhay mo eh ano ba kung galit sila sa skirt mong maikle? Ang mahalaga hindi ikaw ang galit, sila sira ang araw nila pero ikaw kere lang pak rampa mo lang yan pasasaan bat sila ang sasakit ang dibdib sa galit diba? At mas maganda kung habang sila super affected ni hindi mo alam na affected na pala sila. That's how you 🍃 win.
Comments
Post a Comment