Misconceptions
💬 "Call center agent? Yan ba yung taga sagot ng telepono?"
Kaway kaway sa mga taga sagot ng telepono LOL. Isa po ako sa mga taga sagot sa telepono. Pag-usapan natin ang mga misconceptions ng mga tao sa nagtatrabaho sa call center na-inspire ako gawin ito dahil may nabasa ako sa Facebook nanaman na mag agent "nalang" daw sya eme eme madami pang negative na sinabi di nalang ako nag dwell dun. Unahin na natin yung statement sa taas. Kasi ang kadugtong ng statement na yan is "madali lang ginagawa nasagot lang ng phone e" natatawa ako kapag naririnig ko ang ganyang statement kaya lang hindi kasi ako mahilig mag engage ng conversation sa mga taong hindi willing makinig or ignorant I learned my lesson na.
First and foremost ano po kaya sa tingin ninyo ang sinasagot naming mga tawag? Kung sasagot lang pala ng tawag edi dapat wala ng educational background na required kasi kahit sino naman pwede sumagot ng tawag right? Eh mag he-hello lang pala kahit sino kayang gawin yun hindi ba?!
💬 "Hindi nagana utak kapag nasa call center. "
Ang harsh nyo sa part na yan ha ha. Kung ang pangingisda nga po nagamit utak para malaman kung kelan ang magandang oras, araw at lokasyon para makakuha ng madaming isda edi sa amin ganun din. Lalo na sa mga technical support kumusta naman po ang mag troubleshooting ng mga blue screen na pc hindi pa kasama dyan ang pag o-operate mo ng computer habang may kausap ka, so opo nagamit po kami ng utak sa call center wag kayong ano!
💬 "Puro mga kabit asa call center?"
Katulad po ng ibang company wala din pong pinagkaiba ang call center, sa school nga may mga teachers na nagiging kabit edi sa amin ganun din dahil mas madami ang tao na nagkakakilala sa call center pero hindi po ibig sabihin nun eh halos lahat na sa amin ay kabit over kayo sa part na yan ha ha wag natin gawing iba ang call center sa ibang kumpanya na madaming tauhan ganun po talaga labo labo tao e.
💬 "Masasamang tao ang nagtatrabaho sa call center kasi mahihilig mag mura at manigarilyo."
Personally I don't like both cursing and smoking pero wag naman tayo judger, masamang tao agad? Hindi ba pwedeng may bisyo lang? Bisyo nila magmura at bisyo manigarilyo hindi ibig sabihin nun masama na agad, eto ang gulat na gulat talaga ako ng marinig ko mula sa isang elder pero wala magagawa mahirap na paliwanagan ang mga elders kasi fixed na minsan ang belief nila e.
💬 "kahit sino pwedeng makapasok sa call center"
Free for all po talaga ang apply sa call center pero katulad din ng ibang work merong mga qualifications na either you meet or don't, may mga comments kasi akong nababasa or naririnig na para bang basta kanalang lalakad sa building tapos sure kang lalabas na may trabaho kung ganun nga lang talaga yun kadali.
💬 "Pag nasa call center ka mayaman ka"
Sana nga beshy! Hindi po talaga maikakaila na malaki ang sahod ng nasa call center kung ikukumpara sa ibang work pero dapat po kasi natin I-consider ang mga risk ng pagtravel sa gabi at ang pagkakaroon namin ng employer na Amerikano. Sa laki po ng sahod expect din syempre na malaki din ang tax ouch!
I hope na-clarify ko ang mga common misconceptions sa mga agents natin I believe na as an agent myself reliable akong magsabi ng truth about this industry kasi ako mismo ang nakararanas. Unsolicited advice lang siguro is wag natin agad agad i-judge ang work at effort ng iba lalo na at puro chismis lang naman ang alam natin about sa ginagawa nila and let us all respect and value the works of others lahat naman tayo meron contribution sa economy and there is no need to put others down and I thank you pak!
Comments
Post a Comment