May dulo rin ang langit
Siguro nakakalungkot lang talaga kapag nalalaman natin na tapos na ang isang bagay na nakita nating super saya at ganda talaga nung umpisa. Kahit siguro in good terms pa sila pero sa mga nakikisali lang na tulad ko parang mourning lang din ang peg ng puso namin ngayon para sa kanila.
Paano nga ba natatapos ang isang napakagandang relasyon lalo na kung nasimulan naman ito ng punong puno ng pagmamahal. Hindi bat dapat kayanin ang lahat ng pagsubok kapag tayo ay nagmamahal? Hindi bat dapat lahat ay kayanin kapag tayo ay nagmamahal pero hanggang kelan nga ba sasapat ang pagmamahal para mag work ang isang relasyon? Ito nga lang ba talaga ang dapat maging pamantayan para hindi maghiwalay?
Maaring para sa mga taong hindi pa nakararanas ng pakikipaghiwalay naniniwala tayo na love is enough yung mga linyahan ba na "love will always find its way to you" pero sa tunay na mundo, mundong hindi perpekto bakit nga ba naabot sa kinakailangan na nilang bitawan ang isang tao kahit mahal naman nila?
Hindi ko rin masagot kasi hindi rin ako marunong bumitaw e, minsan kahit na sobrang masakit na. Strong daw kasi ako, ang kaso minsan kasi kahit yung mga taong malalakas nasasaktan at nakakadama din ng panghihina lalo na sa mga panahon ng pag-iisa.
Tulad ni Jay at Sarah sino nga ba ang magaakala na may poblema ang dalawang magkarelasyon gayong ang social media naman ay built para ipakita ang tanging masasayang part lang ng buhay natin pero hindi nito naipapakita ang kabuuan. Kahit pa gaano kaganda ang bakuran ng isang bahay hinding hindi natin malalaman kung ano ang totoong nangyayari sa luob.
Sa mga panahon na pakiramdam mo ay napapagod na ang puso mo sa paulit ulit na sakit wag mong sisisihin ang sarili mo dahil nakararamdam ka ng pagod magmahal, pwede ka tumigil magpahinga at laban ulit pero kapag umabot kana sa punto na sa tingin mo ay hindi mo na kaya at kailangn ng bumitaw ganun padin. Wag mo sisisihin ang sarili mo kung pinipili mo ng tumigil at tapusin. Kung umabot man kayo sa dulo siguro hanggang dito nalang talaga ito.
Comments
Post a Comment