Calling : Mr. John Smith

Ayan, so habang nagpapakabayani akong naglalaba ng alas singko ng hapon gawa gawa din ng blog habang naikot pa si washing machine.

Sobrang tagal ko na ata sa bahay feeling kalat sa lipunan nanaman ang peg ko LOL anyhow dahil nga sa tagal ng ECQ eh para bang namimiss ko nadin ang mababait naming customer na siyang dahilan kung bakit merong pagkain sa lamesa.

Dahil dyan pagusapan natin ang iba't ibang uri ng customer so far na nakausap ko na, either via phone or via chat para lang masaya. Minsan kasi ang misconception na madalas kong nae-encounter sa mga never pa nag work sa call center e rude daw ang mga customer at minumura mura lang daw nila kami, ay judger wag ganun wag tayo mag generalize, generalization is bad!

Lola or Lolo Caller
Ayan ang paborito ng lahat ng may mahabang pasensya tulad ko, personally gustong gusto ko kausap ang mga lola at lolo kasi bihira sa kanila ang galit kadalasan sila ay malumanay kausap at madalas pa ngang sila nahingi ng pasensya for their ignorance daw sa technology or sa process given na sila kasi ay mga elders na. Meron din namang mga galit pero minsan frustrated lang sila dahil di nga nila naiintindihan ang mga dapat gawin pero kapag naresolve mo ang issue ng mga ito siguradong patok ang 5 star mo! 

The Teen Caller
Eto yung mga madalas eh cute ang boses tapos parang hiyang hiya makipag usap at parang lahat ng decision making ay kailangan pa muna nilang itanong kay Daddy most especially kapag credit card na ang pinaguusapan. In terms of troubleshooting sila masarap pagapangin ng pagapangin para ipahila ang mga cords kasi super game silang gawin ito dahil mga hayok sila sa internet connection na tinatry nyo i-resolve pero kung sales department ka wag kanang umasa na makabenta ka sa mga yan kasi ipapaalam pa nila kay Mom! 

The Nagger
Eto naman yung very common na ata sa lahat ng department at naniniwala ako na hindi matatapos ang call center experience mo na wala kang mare-recieve na ganitong customer. Ke-chat o phone magana talaga sila magkukuda ng kung ano ano, mga keyboard warriors na ang hahaba ng chat na kahit kasalanan ng previous agent eh babalik balikan nya pa iyon at isisisi sayo. 

Looking for sexy time
Ayan nabuhay ba bigla dugo mo sa curiosity kung anong customer ito? Sila yung very patient and very willing magtagal sa phone lalo na kapag napaka sexy "daw" ng boses mo, madali silang mapapayag sa lahat ng sasabihin at pakiusap mo pwera lang ang ibaba ang telepono kasi gustong gusto pa nila magtagal ang convo nyo at hopia silang ma-achieve ang email address mo at the end of the call.

The Rapper
Sila naman yung mga ambibilis parang kidlat mag mura tuloy tuloy at talaga namang sa ilang segundo o minuto napagkakasya nila ang bawat mura, mapapahanga ka namang talaga e talent! 

Mr. I'm Educated 
Eto naman yung mga uri ng customer na talaga namang marunong pa sayo minsan gusto mo na iabot ang keyboard sa kanila "o sige sir eto keyboard ikaw na magpipindot dyan tutal mas marunong kapa saken". Sila yung mga hindi mo daw maloloko kasi alam daw nila ang process ng company (ay edi dapat alam mong hindi pwede ang nirerequest mo ungas charot lang) at hindi daw sila tulad ng ibang customer dahil nakapag tapos daw sila (oh sige eto na trophy!). 

Bossing
"I want to speak to someone who is higher than you" ayan ang entrada ng mga customer na ito na akala naman ay manginginig ka sa takot sa sinabi nila, minsan nga gusto ko na sagutin ng "Mr. Keme I'm on the 9th floor right now would you like someone from the 10th or 11th floor?". Pero siyempre eme lang yun nice lang tayo palagi sabay transfer sa kawawang supervisor na alay sa puon na makikipagtunggali kay Mr. Keme.

Racist Caller
Ang mga entrada naman ng mga ito "I want to speak to someone from the United States or an American representative" oh pak ayaw nya daw kasi ng may accent, nuong kabataan ko at patola pako may nasagot ako ng "Ms. Keme everyone has an accent even the Brits or even you." Di siya nakaimik e hahaha pero syempre tinransfer ko padin siya inimberna ko lang ng konte char! Pero half meant ha ha. 

Enthusiastic Caller
Ito yung sobrang bihira pero hindi padin naman mawawala, sila yung mapapalad na hindi nakararanas ng delay sa delivery ng package nila at madalas ay may very good experience sa mga ahente na nakakausap nila. Sila yung mga tipo ng kahit anong sabihin mo ay oo lang kasi malaki daw ang tiwala nila sa company pak bigyan ng jacket yan! 

Chekwa
Oh di ako racist pero sila talaga yung madalas na meron nakailang call center nako at hindi pwedeng wala sila. Usually malumanay sila makipagusap marahil ay dala narin ito ng hirap din sila mag English so unahan nalang talaga kau maubusan ng dugo kaka-nosebleed. 

Freebies 
Ito yung mahihilig mag-request ng free na 1 month service kasi daw nagkaroon ng interruption sa service nila ng dalawang oras or bigyan daw sila ng free membership kasi loyal subscriber or user naman daw sila or na gusto nila free ang shipping kasi daw mahal na nga ang item na inorder nila mahal pa shipping ayan tayo e gagamit ng service pero mga ayaw magsipag bayad di naman ampalaya ulam ko kanina ha ha. 

Kung may mga nakalimutan pako sa list comment down below isa itong malayang bansa ipaglaban mo ang iyong nalalaman char. Sa iba't ibang tao nakakasalamuha ko via phone isa lang ang common denominator nila kailangan nila ng tao na makikinig at talaga namang handa silang tulungan maaring para sa ibang ahente sila ang mga peste sa buhay natin pero tandaan natin na kung hindi dahil sa iba ibang taong ito ay wala sana ang industriya ng BPO sa ating bansa kaya sa ayaw at sa gusto natin enjoyin nalang natin ang pakikipag usap sa mga taong yan I'm sure lalo na sa panahon ngayon mas maa-appreciate natin ang simpleng pakikipagusap sa tao sa telepono kasi isa yan sa nawala satin dahil sa pandemic na ito e ang socialization part na ata ng sistema natin talaga ang pangangailangan na may makausap kapag may poblema ganun din sila.  

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

Kelan ka mag-aasawa?

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.