The one that ran away

Paano nga ba natin masasabi na ang partner natin ngayon is "the one" yan kasi ang kalimitang tanong ng maraming singles and hopefuls.

Meron ba talagang special sign o magical moment na mangyayari na makapagbibigay satin ng clue na sya na nga? 

Nuong kabataan ko at talaga namang ako'y super fresh pa naniniwala ako sa mga magical moments yung mala KDrama na ganap kung saan hahabul habulin ka ng iyong jowa sa may ulanan at kapag inabot ka nya ay mag bibigay sya ng isang sobrang makabagbag damdamin na speech na talaga namang makapag papalambot ng iyong tuhod. Gising uy!

Hanggang sa ma-realized ko na hindi pala yun ganon. Hindi pala totoo ang mga nasa palabas na fresh na fresh itsura nyo pag gising ng umaga or na ang lalaki ay magpapakabasa sa ulan para sayo, well maaring habulin ka nya pero may bitbit siya na payong at hindi sya magtatatakbo kung pwede nga naman sumakay ng tricycle daba?!

Sabi nila bago mo ma-meet ang iyong one true love madame ka munang mami-meet na iba't ibang uri ng tao na magbibigay sayo ng lessons about love and sometimes sila pa nga ang mag li-lead ng way para mahanap mo na sya.

The Puppy love
Siya yung na-meet mo probably nung elementary days mo at talaga namang bet na bet mo siya dahil sobrang galing nya maglaro ng Chinese garter or maaring siya kasi ang inyong escort base sa unanimous decision sa botohan nuong first day of school for classroom officers.

Tingin mo ay sobrang serious ng feelings mo para sa kanya kasi palagi mo gustong maging classmate ang taong ito at sobrang inspired ka pumasok ng school araw araw. Tutungtong ka ng high-school at either mapapansin mo nalang na di mo na siya gusto or nalaman mo na may iba na pala siyang crush kaya ayaw mo na sa kanya kahit na medyo mashaket.

The Young love
Para sakin meron tayong teenage love, maaring ma-outgrew natin ang love na ito or pwede siyang mag develop into our very first love.

The First love
Ito yung tao na parang kawatan na bigla nalang pumasok sa puso mo yung tipo bang kasa kasama mo lang sya madalas hanggang sa namalayan mo o ninyo na meron na pala kayong something sa isa't isa or pwede din namang naglalandian nadin talaga kayo umpisa palang whichever the case is okay. 

Lahat naman tayo gusto na ang first ay yun nadin ang ating last love unfortunately that is not always the case especially kung hindi naman pala mutual ang feelings ninyo. Kaya from being the very first love itong tao na ito din ang pwedeng magturo sayo ng iyong very first heartbreak.

Tulad nila Ms. Angelica Panganiban sa movie na That thing called tadhana naniniwala din ako sa sinabi ni Scott Fitzgerald na, “There are all kinds of love in this world, but never the same love twice.” dahil dyan eto na nga si Great Love and True Love.

One Great Love
Para sakin meron tayong dalawang tao na sobrang unique and powerful ang love na mararamdaman natin sa kanila in a very totally different way, pero hindi ibig sabihin nito makukuha mo sila pareho malandi ka!! 

In my opinion ang great love ng isang tao usually ay ang taong hinding hindi mo makakatuluyan pero sa kanya mo lang mararamdaman yung ganung klase ng pagmamahal na nakababaliw, ito ang dahilan kung bakit ang kaibigan mong paulit ulit nang niloloko ng jowa eh balik parin ng balik sa jowa nya kasi nga intense. Hanggang sa magugulat ka nalang isang araw at mababalitaan mo na nagpakasal siya sa ibang tao na maaring totally different duon sa ex nyang yun. Kapag pinagkwento mo siya tungkol sa nakaraan niyang yun makikita mo na iba padin talaga ang love na naranasan nya with that person and minsan maiisip mo din paano nga ba kung sila ang nagkatuluyan? Or minsan magtataka ka bakit nga ba hindi silang dalawa ang nagkatuluyan?
"Hindi lahat ng taong nagmamahalan ay nakalaan para sa isa't isa minsan dumaan lang sila para maramdaman mo ang kakaibang pagmamahal na hinding hindi mo mararanasan sa kahit sino"

One true love
Kung si great love sobrang intense si true love naman ay calm naniniwala ako na kahit gaano ka-intense ng feelings mo para kay great love hindi iyon enough para hindi mo siya iwan while your one true love is the person you will never learn to leave without.

So balik tayo sa question natin sa intro paano nga ba malalaman kung siya na ang "the one"? Aba malay ko siguro kapag nakita ko na siya sabihin ko nalang sa inyo. Got to go ciao!

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

Kelan ka mag-aasawa?

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.