Overtinkerbell vs Mr. Consistent
Ikaw ba ay nalolongkot? Madalas mapaisip? Tulala sa isang tabi at halos hindi na mapakali? Mag ingat beshy baka masali ka sa listahan ng tokhang. LOL!
Sila yung mga babaeng pilit na nagtatry kumawala sa kanilang nakaraan pero unknowingly ay hindi pa talaga sila fully nakakarecover.
Anyways ito ay para sa mga pusong nagmahal, niloko o iniwan. Mga pusong hindi pa natututunan ang magpatawad.
Meron kasing sakit na kumakalat dati pa ito kaso undiagnosed eh at ang madalas tamaan nito ay mga kababaihan. Kilala ito sa tawag na " overthinking" at ang mga babae na meron nito ay tatawagin nating "overtinkerbell".

Gawa tayo ng checklist ✔️ para malaman mo kung meron ka nito malay mo naka subscribe ka pala.
- Waiter
Ito yung habit mo na mag wait ng mag wait sa reply nya tapos kapag lumipas ang buong araw na walang response iisipin mo agad na may ka-chat o ka-text syang iba.
- Quiet place
Yung biglang tumahimik ang partner mo naisip mo agad na cold na sya siguro gusto na nyang makipag break sayo. Agad agad di ba pwedeng may nasakit lang?
- Mr. Nice Guy
Happy si Kyah at binilhan ka pa ng paborito mong flavor ng ice cream after kang ilibre ng lunch, maiisip mo agad ang mga sumusunod "siguro may kasalanan to?" "ano nanaman kaya ang nagawa nya?". Oh ha nilibre kana galit kapa. Wapak!
- Smiley
Nakatingin sya sa phone tapos biglang napangiti or natawa para sayo siguro may ka-chat syang babae at bigla mo nalang sya sisigawan ng "edi sa kanya kana!".
- Social Media F.B.I. agent
Titignan mo ang list ng Facebook friends, Instagram followers, Twitter followers nya tapos hahanap ka maganda at iisipin mo na siguro type nya si ate girl. Pati lahat ng na-heart nyang pictures isasama mo din sa investigation mo para mas lalong lumalim ang pang gagalit mo sa iyong sarili.
- Manstruation
Alam mong 3 hours lang ang tulog nya at nasabihan sya ng boss nya na palpak ang naging proposal nya for a project naging mainitin ang ulo at bugnutin si Kyah iisipin mo na siguro ayaw na nya sayo at ginagawa nya lang yan kasi gusto na nya makipag break dahil mas bet na nya si ateng napapangiti sya sa chat.
Short list lang tayo pero kahit papaano you get the point right? Kung lalake ka naman na nagbabasa nito ito naman ang para sayo. Nakakatawa kung iisipin pero sobrang nakakainis kung ikaw mismo e member ng overtinkerbell squad. Alam ko na mahirap at nakakairita para sa inyong mga boys pero sana maintindihan niyo din ang hirap na pinagdadaanan ng may mga ganito. Sino ba naman ang nais maging miserable sa kakaisip sa mga bagay na alam mo naman minsan na sobrang babaw na or baka na-imagine mo lang.
Eto naman ang checklist ✔️para makatulong sayo kung ganito ang karelasyon mo.
- Patience is a virtue
Unahin na natin sya kasi sya ang pinaka obvious sa mga ganitong sitwasyon. Isipin mo nalang yung sinabi ni Ms. Angelica Panganiban sa movie nila ni Dingdong :
"Ang pera natin, hindi basta-basta nauubos.. pero ang pasensya ko, konting-konti nalang!"
Kung katulad kitang #buhayDaga eh baliktarin mo nalang isipin mo na ang pasensya mo ay hindi yan basta mauubos pero ang pera mo ubos agad! Waaahhh...kidding aside kapag mahal mo pagpasensyahan mo ganun talaga e.
- Understanding is a must!
Since willing kanadin lang habaan ang pasensya mo mas matutulungan ka nito. Kahit sa anong relasyon mahalaga ang pag intindi pakaisipin mo palagi na kaya sya nagkaganyan ay dahil sa kanyang nakaraan, wala namang babaeng ipinanganak na overthinker maaring ito ay karanasan mula sa kanyang ama or mga past boyfriends nya.
"Scars of the past takes longer to heal than an actual wound"
- Be a good listener
Kapag nag rant sya sayo about sa imaginary na babae mo hayaan mo lang sya pasasaan bat mapapagod din bibig nyan at kapag ganun na nga saka mo sa kanya ipaliwanag ang tunay na nangyari with complete set of evidence galing sa crime scene.
- Provide a thorough explanation
Emphasize ko lang ang "thorough", alam ko na ang mga lalaki ayaw ng mahabang usap pero para sa babaeng willing kayo I-work things out mas mapapanatag sila kapag detalyado ang explanation mo kung bakit ka ngumiti habang hawak ang cellphone mo. Syempre applicable lang to sa mga wala talagang tinatago. Pakita mo nalang sa kanya ang chat or kung ano man yang nakita mo sa timeline mo malay mo matawa din sya at magka bonding pa kayo.
- Assurance statement
Kung nagawa mo syang sabihan ng sabihan ng "I love you" at "ang ganda mo" nuong nanliligaw ka palang gawin mo padin ngayong kayo. In a way nagkakaroon ng assurance ang babae na maganda pa sya sa iyong mga mata at talaga namang mahal na mahal mo padin sya. Believe me mas mura ito kesa sa pinaplano mong bilhing 🐻 teddy bear para sa kanya na ang effectivity lang is 2 to 3 days overtinkerbell nanaman sya.
- Acts of Service
Ito yung mentioned above kung saan bibilhan mo sya ng ice cream ililibre ng lunch. Samahan mo nadin ng massage kapag masakit ang puson nya tapos ipag-init mo ng warm compress to ease the pain of her regla or else feel her wrath!
I-combine mo ang naunang lima kapag ginawa mo ito para hindi ka nya pag isipan na ginagawa mo lang kasi may chix ka pero alam mo kung anong much better? Yung gawin mong consistent ito 😉.
Thoughts to ponder 💭
"A woman's attitude is a reflection of her man it is like a mirror, you reflect each other."
Comments
Post a Comment