Ghosting 👻

Dahil malapit na mag November kahit na 7 months pa naman talaga pagusapan na natin ang iba't ibang uri ng multo.

Multo sa paningin, ito yung mga taong ayaw mo ng makita pero hindi mo maintindihan bakit palagi kayo nagkikita sa palengke kahit iniiba iba mo na ang araw at oras ng punta mo. Baka sya na nga ang the one beshy!

Multo sa kusina, finally nalaman mo na, na sya pala yung dahilan kung bakit biglang nauubos ang mga masasarap na laman ng inyong ref.

Multo sa labas, siya yung laging kinukwento ng mama mo sayo nuong bata kapa lalo na kapag gusto mo pang lumabas sisimulan nya yan sa ganitong linyahan "hala sige ka kukuhanin ka ng multo kapag lumabas kapa!" so syempre pipirmi ka nalang sa bahay.

Multo sa dilim, nanay mo din ang nagsabi sayo nito nuon lalo na kapag oras na para matulog tapos nangungulit ka pa ganito naman ang linyahan nya para dyan "sige papatayin ko na ilaw bahala ka may lalabas nalang na multo dyan matulog na tayo!" kaya ikaw kahit energetic kapa maya maya lang tulog kana.

Pero para sakin ang pinakamatinding multo ay yung tao na panay panay ang chat sayo habang nananahimik ka. Very consistent siya na dapat kayong magkita para mas makapag getting to know "daw" kayo. Magtetext every day walang patid at tila ba lahat ng kwento mo kahit walang kwenta willing nyang pakinggan. 

Tapos kung kelan sanay na sanay kanang andyan siya for some unforseen reason bigla nalang siyang mawawala ghosting! At take note sobrang galing at bigla ng pagkawala nya mapapansin mo nalang na hindi mo na masearch ang pangalan nya pati na sa iyong social media accounts. Magic! Maiiyak ka nalang! Dahil sa kasamaang palad hindi siya katulad ng products na merong "money back guarantee". Ang puso mo feeling mo natangay nang magnanakaw at hindi mo alam kung maibabalik pa ba sya.

So para hindi ma-ghosting ang beauty natin take note lang ang NAT, terey may paganon si Ati. 
  • Never assume
Applicable ito lalo na kapag nasa getting to know stage palang kayo. Tandaan kinikilala nyo palang
ang isa't isa maaring oo o maaring hindi magustuhan ng boylet ang iyong personality. Oo kahit gaano sya sobrang gandang ganda sayo nuong una pero kapag na-turn off yan sa personality mo daig pa nyan ang Ninja sa pagka-stealth mode sa pagtatago sayo.
  • Always be on the lookout 
Maging mapagmasid lalo na sa maliit na details na maaring magbigay sayo ng sign na either ayaw na nya o may nakita ng iba. Tandaan ang matandang kasabihan "kapag nanlalamig na sya sayo baka may pinag iinitan ng bago".
  • Take your time 
Wag masyado magmadali mahulog baka kasi walang sumalo aray! Siopao ending mo, bolang bola ka, tuloy asadong asado ka sa kanya. 

Thoughts to ponder 💭
"Kahit gaano kabilis ang ating panahon parang paglabas lang ng bagong cellphone; tandaan na ang ating puso ay dapat nating sobrang ingatan dahil mahirap itong ibalik sa dati sa oras na sya ay masaktan." 



Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

Kelan ka mag-aasawa?

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.