ECQ Journal

Sa panahon ng pandemic na ito based on my very biased opinion ay talaga namang naging epektibo ang enhanced community quarantine para masiguro na hindi na kumalat pa ang virus. 

Ang official start na ako'y hindi na nakalabas ng bahay ay March 17 enebe!!! Lagyan natin madaming exclamation point para intense. Isinusulat ko ang blog na ito ngayong April 30, 2020 mahigit isang buwan na pero hindi pa din na lift ang enhanced community quarantine sa bansa kasi nga hindi naman bumababa ang bilang ng positibo, common guys party pa more! Char lang baka may mahina makaintindi na makabasa akala serious ako LOL. 

Dahil sa quarantine na ito nabigyan ako at ang buong mundo ng pause sa fast pace ng buhay. Tandang tanda ko pa nuong isang buwan habang ako ay nag-eemote sa may bintana habang palubog ang araw at medyo hinahangin hangin ang mahaba kong buhok ching lang, na bakit parang hindi ako makasabay sa bilis ng mundo, natanong ko pa ang Ate sa chat kung ganto nalang ba talaga ako? Ito na ba yun? Bakit parang wala ata ako nagawang tama? May oras paba? Tandang tanda ko pa yung sinabi nya sakin :

"mahaba pa ang buhay wala kapa sa finish line ayaw mo na?" 

Hindi ko maintindihan nuong una kasi kahit anong balibaliktad hindi ko na mababawi ang 10 years na nasayang ko dahil sa hindi pagiintindi ng mga bagay na mas mahalaga. For short nagpa-panic na talaga ako. 

Maaring para sa iba ang panahong ito ay masyadong mahirap dahil gusto ng lahat ay makalabas at makahalubilo ang kanilang mga kaibigan, kachismisan, pamilya at pati na ang kabit nila charowt pero para sa tulad kong 70% introvert ito ang quarantine ang nagbigay sa akin ng sapat na oras para mas makapag focus sa aking personal issues. Sa aking mental health.

Para sa mga tulad kong dumadaan sa midlife crisis or baka naman meron kayong stress, anxiety, depression ngayong panahon na ito sana ay matulungan kayo ng mga ito. Ito yung mga bagay na nakatulong sakin para mas maging positibo ako at masaya sa panahon ng crisis.
  • Stay calm
Syempre dahil tayo ay mga beauty queen grace under pressure nga daw diba?! Hindi makakatulong ang pag papanic tulad ko kahit naman mag auto panic button ako ngayon at magkakanta ng "kung maibabalik ko lang..." eh wala nako magagawa. So chill lang muna tayo beshy!
  • Goal setting
Para mas magkaron ng positive outlook isipin ang mga bagay na nais mo pang maachieve wala daw sa edad yan just be sure to make it as realistic as possible. Ang sarap kayang mag isip ng mga goals lalo na ngayong meron kang buong araw para gawin ito pwera nalang kung naka schedule ka maglaba today.
  • Be productive
Nuong mga unang week ng enhanced community quarantine puro kain tulog lang ginawa ko kasi sabi ko nun pagod ako palagi sa work so it's time na makabawi but after just a week nakakapagod pala maging tambay ano? Lalo na at sanay kang nagtatrabaho ansakit sa likod ang maghapon kang nakaupo o higa tapos parang tuyo na utak kakanuod ng mga movies at series.

So nag-isip ako ng mga gagawin para covered ang maghapon ko because when you are happy busy there is no time for you to feel sad. Nagschedule ako ng workout twice a day tig 10 minutes lang yun pero kailangan mo mag cool down ng 20 minutes bago ka maligo or maghilamos. Then every afternoon nag video call ako sa aking Papi para kumustahin sila ni Mama abroad feels! And so on... Isip ka ng sayo wag ka gaya gaya ha ha.
  • Be nice to yourself 
Minsan kasi hindi na natin napapansin na nagiging sobrang hard na tayo sa sarili natin. Probably dahil nadin sa bad side effects ng social media kung saan nakikita natin ang highlights ng buhay ng iba. Instead of looking for things that you don't have, congratulate mo sarili mo sa mga simple achievements mo kasi deserve mo yan. Saka tigil tigilan mo na muna kaka-stalk sa ex ng jowa mo bago maiinsecure ka after. 
  • Talk to God
Naniniwala ako na si God lang ang talagang nakakakilala sa isang tao ang iyong mga desires, good
deeds, bad habits etc. Siya lang ang kaisa isang mapag sasabihan mo ng lahat lahat tungkol sayo at maniwala ka sakin girl no judgement talaga! 

God is a very good listener siya ang talagang kakampi mo sa mundong ito, siya lang ang alam mo na kahit tingin mo sa sarili mo ay kulang o masama asahan mo na hinding hindi ka nya iiwan. Kapag sa kanya ka nakipag in a relationship sigurado kang hinding hindi ka niya ibe-break.

Thoughts to ponder 💭

Exodus 14:14
"The LORD will fight for you; you need only to be still.”

Comments

Popular posts from this blog

How many more heartache should I write about?

Kelan ka mag-aasawa?

Bakit napakasakit parin? 💔 The box, the ball and the pain button.